TRAVELBOOK NOW!

Saturday, February 6, 2010

Paalam Santino

Namaalam na kahapon sa Primetime Bida ang longest running teleserye ng Dos na May Bukas Pa.

Ito rin yata ang teleserye na may pinakamaraming naging guest artists sa kabuuan ng pagtakbo nito sa telebisyon katulad nila Toni Gonzaga, Lorna Tolentino, Gloria Romero, Piolo Pascual, Sam Milby, Gabby Concepcion, Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Krista Ranillo, Maricar Reyes,Ai Ai Delas Alas, Christopher De Leon, Dolphy at marami pang iba na nabago ang buhay dahil kay Santino.


Sana, nawala man sa ere ang nagbibigay inspirasyong programa na ito ay hindi pa rin tayo makalimot na mayruong isang Bro na nagmamahal, kumakalinga , nag-iingat, nagbibigay at umuunawa sa atin sa bawat yugto ng ating buhay bilang mga tao.

Ito ang isang simpleng mensahe na iniiwan sa atin ng May Bukas Pa. Ang simpleng pananampalataya at pananalig na nandiyan lamang si Bro.



To all the staff and crew, participants, actors and actresses who gave us this inspiring TV series: Kudos and Mabuhay Kayo for a job well done.


Huwag malungkot dahil hindi tayo iiwanan ni Bro. Nandiyan lamang Siya at naghihintay sa ating tumawag at manalangin sa Kanya.



Amen!

No comments:

Post a Comment