TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 15, 2010

Nodar Kumaritashvili


Binalot ng matinding kalungkutan ang kasalukuyang ginaganap na 21st Winter Olympics sa Vancouver, Canada nang mamatay dahil sa aksidente ang Luge player mula sa Georgia si Nodar Kumaritashvili.



Ilang oras bago ganapin ang opening ceremony ng nasabing quadrennial winter event ay naaksidente si Nodar na nuon ay nagti-training dahil sa pagkakatapon niya mula sa sled na kanyang kinalululanan at bumagok ang ulo sa isang haliging bakal nang napakabilis.

Bagamat walang video ang kasalukuyang pinalalabas tungkol sa tutoong nangyari, dahil sa pagkondena nang ilan sa pagiging sensitibo ng nasabing video, lumalabas na nagkaruon ng kakulangan ang management ng nasabing sporting event sa pagmimintina at pagpapanatili ng safety regulations sa loob ng mga facilities nito lalo na sa mga dangerous high-speed race sports tulad ng Luge.



Sana kung naging maingat at nainspeksyon lamang ng maigi ang mga equipment at facilities na ginamit sa nasabing event ay napigilan sana ang ganitong trahedya.

Patunay lamang na ang ating mga sportsman ay laging nakatapak ang isang paa sa hukay once na nakikipaglaban na sila sa mga kumpetisyon lalo na sa mga hig-risk sports tulad ng mga racing at physical events tulad ng boxing at wrestling.

Kaya nararapat lamang na ang ating mga sportsman na pinapadala sa ibat-ibang bansa para makipagtunggali at humakot ng medalya at magbigay karangalan sa ating bansa ay hindi dapat balewalain bagkus ay dapat tingalain at parangalan dahil sa kanilang matapang na pagganap sa tungkuling iniatang sa kanila ng kanilang mga kababayan.

Kaya sa lahat ng mga Sportspeople na buong tapang na humaharap sa hamon ng laban kahit nasa bingit na ng kamatayan, saludo po ang buong mundo sa inyo.

At kay Nodar Kumaritashvili, tunay na bayani at karangalan ka ng iyong bansa!

No comments:

Post a Comment