TRAVELBOOK NOW!

Saturday, February 20, 2010

National Book Store

National Book Store is the national book store of the Philippines!

Bilib naman ako sa istorya at pinagdaan ng bookstore na ito ; mula sa kanilang humble beginnings sa Escolta by the leadership of its owner Mrs. Socorro Cancio- Ramos hanggang sa paglago nito at ngayon ay ang pambansang aklat-bilihan na ng Pilipinas. Lahat ng National Bookstore dito sa Metro Manila ay napuntahan o napasyalan ko na maliban na lamang yung mga nasa probinsya.

Marami din akong fondest memories tungkol sa NBS na ito:

Mahilig talaga ako sa libro. Kahit nuong Elementary at High School days ko ay lagi akong laman ng mga library namin para magbasa . Nuong ako ay tumuntong sa mataas na paaralan, lalong naengganyo ang aking habit sa pagbabasa. At dito ko nadiskubre ang National Bookstore.

Dito ko nalaman na pwede pala akong tumambay at magbabad sa loob nito para makapagbasa ng mga libro nila. Iyun nga lang, mapapagod ka sa katatayo dahil hindi ka naman pwedeng sumalampak sa sahig habang nagbabasa ka. Tiyak na sisitahin ka ng mga salesladies nila. Halos inaabot ako ng limang oras sa loob ng National na paglabas ko ay wala naman akong nabili kahit isang libro dahil nabasa ko na lahat sa loob he he he. Lately na lang , nung may pera na ako, saka ako na can afford na bumili ng mga aklat, na ngayon ay naka- stack na lahat sa aking mini - book cabinet.

Kapag matagal ka nang nagbabasa, bigla kang lalapitan ng isa sa kanila at ituturo sa iyo ang nakasulat na babala sa kanilang mga bookshelves: " No Private Reading" o " Book Reading is Not Allowed". Kaya alam mo na ang gagawin mo, ibabalik mo sa shelf ang libro na binabasa mo; pero kapag talikod ng saleslady, ay sabay kuha at buklat na naman ng panibagong libro sa shelf.

Kapag ang gusto mong basahin na libro ay may nakabalot na plastic kaya hindi mo mabasa, ang gagawin mo ay lilinga ka muna sa paligid mo at kapag wala kang nakita na umaaligid na saleslady ay pasimple mong pupunitin o pipilasin ang plastic na balot para mabuklat at mabasa mo ang libro. Dito inis na inis ang mga saleslady dahil matapos masinsin nilang balutin ang libro ng cover ay makikita na lang nila itong gula gulanit at nakaipit sa salansan ng mga libro na krimen ng mga unsolicited reader na ito ng NBS he he he he .

Marami ding nangyayaring mga "petty crimes" sa loob ng National.

May mga booking din na nagaganap dito ang mga bading at callboy. Kunyari nagbabasa ng libro, tapos tatabihan niya at pasimpleng ngingitian sabay tanong ng pamatay na " anong oras na?" kahit walang relo yung tinatanong , ha ha ha ha. At itanong mo na lang sa buwan kung anong susunod huh.

Hindi lang mga uninhibited sins ang nagaganap dito, meron ding mga simpleng ligawan na nagaganap sa loob ng NBS. Kung nasulyapan ni lalaki na maganda ang dalagang nagbabasa ng libro sa isang hilera ng bookshelf ay pasimpleng maglilinya na " ang ganda ng librong yan ano , miss, tulad mo , nabasa ko na kasi yan eh" na ang tutoo ay kahit na sa hinagap ay ni hindi man lang nabuklat ang librong yun.

O kaya gasgas na rin ang linyang " miss, alam mo ba kung saan dito yung librong _______, di ko kasi makita eh, baka yan yung binabasa mo ?"

O kaya " miss, anong pamagat ng librong yan, mukhang maganda ah , maganda kasi ang nagbabasa " he he he he.

Tunay na parte na ng pamilya ang National Book Store. Kapag malapit nang magsimula ang klase sa Hunyo , asahan mo at tiyak na walang mahulugang karayom sa loob ng National Book Store.

At siyempre pa hindi mawawala ang mga luka- lukang shoplifter na ultimong fastener o rubber band ay ninenenok ; hindi nila alam ay nagkalat ang CCTV sa buong paligid ng tindahan he he he.
Basta ang masasabi ko ay hindi ko kailanman malilimutan ang National Bookstore kahit anong mangyari, aba , LAKING NATIONAL yata ito huh!

No comments:

Post a Comment