TRAVELBOOK NOW!

Sunday, February 7, 2010

My Planet Puto




Marunong akong gumawa ng Puto Pao.
Ito yung puto na may mga palaman o fillings sa loob.

Eversince natikman ko ito sa isang canteen, ay na-inlove at hinanap hanap ko na ang kakaibang sarap ng kakaning ito.



Kaya naman nang magkaruon ng chance na matuto kung paano gumawa nito ay nag-enroll ako at nag-aral magluto nito.



Ngayon ay naging passion ko na ang paggawa ng puto pao na ito. At mula sa aming kusina ay natutunan kong gawan ng ibat-ibang fillings at flavors ang aking puto pao. Mula sa dating asado puto pao na mabili sa mga carinderia at canteen, natutunan kong lagyan ito ng various fillings tulad ng bola-bola, cheesedog, ham, corned beef, salted egg, cheese at ang mga combinations nito.


Nakakagawa rin ako ng mga puto na ibat-ibang flavors tulad ng vanilla, chocolate, leche flan, strawberry, bubble gum, melon, mocha at marami pang iba.



Someday ay nais kong gumawa ng foodcart na nagbebenta lamang ng ibat ibang klase ng puto na truly homemade. At ang pangalan ng aking foodcart would be Planet Puto: The home of delicious homemade puto.



And it would come in different sizes like Jumputo and Putotoy he he he.


Watch how Planet Puto will invade your home!

Here is my website: Planet Puto Website!

No comments:

Post a Comment