TRAVELBOOK NOW!

Sunday, February 14, 2010

Happy Valentines Day and Welcome Chinese New Year!

Double celebration ang ating ipinagdiriwang ngayong araw na ito: Valentines Day plus unang araw ng Chinese New Year.

Of course, dahil Araw Ng Mga Puso, ay siguradong punuan na naman ang mga motels at hotels sa buong kapuluan. Ewan ko ba, kailangan ba talaga na kapag ganitong date ay mayruong mga paputok? Kunsabagay, Chinese New Year din naman, kaya puwede na rin--hala sige magsipagputukan na kayo riyan!

Tiyak, ubusan na naman ng mga roses and flowers diyan sa Dangwa. At ang mga nagtitinda ng chocolates and candies na heart shaped, tiyak tiba tiba. Anyway hindi naman kailangan na tuwing Pebreo 14 lang ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso. Dapat everyday is a Heart's Day, debah?

Ako, wala muna ako ngayong Valentino. Pahinga muna ang puso ko. Nakakapagod eh. Physically, emotionally and financially he he he he.

Mas maganda na itong ganito. Walang iniintindi at inaalala. Hindi nakaka-drain ng baterya. Anyway, uso naman ang Speed Dating he he he he. And besides, I have my true love ones , which is my family ,who is really behind me all the time. Plus God on my side, perfect na ang Valentines Day ko huh!

At sa mga Chinese na kababayan din natin, Happy New Year naman at welcome sa Year of the Metal Tiger.

Tiyak na magarbo ang celebration diyan sa Binondo at Chinatown. Ang mga Intsik pa, eh todo handa iyan tuwing sasalubungin ang New Year. Nakakaaliw na namang manuod ng Dragon Dance diyan. At siguradong aapaw ng Tikoy, Hopia, Pinya at mga 13 prutas na bilog sa kanilang hapag.

Bihira ang ganitong okasyon na sabay na ipinagdiriwang ang dalawang red letter day.

At least may common denominator ang dalawang okasyong ito: parehong kulay pula at parehong sinasalubong ng putukan he he he he. ♥♥♥♥♥♥♥♥♥

No comments:

Post a Comment