TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 10, 2010

Diz Iz It


Sinimulan na pala ng GMA 7 nitong Lunes ang kanilang bagong programa na ipinantapat sa Showtime ng Dos na pinamagatang Diz Iz It.

Pre-programming para sa Eat Bulaga na prinodyus din ng Tape Incorporated, this new show is anchored and hosted by Bayani Agbayani, Shivaker, Ehra Madrigal and Grace Lee.

Napanood ko ang pilot episode nito at ang mga napansin ko ay ang ilang pagkakapareho sa ginagayang Showtime ng ABS CBN tulad ng Mic Mo To portion na libreng pagbati on air.

Napansin ko rin na hindi masyadong catchy at melodic ang kanilang theme song.Bakit ba kapag pinapakinggan ko ito ay tila ba naririnig ko ang mga linyang " disease it ". Sana naman ay huwag itong dapuan ng mga sakit noh. As for the hosts, kulang pa sa wit and charm at tila ba walang connection sa kanilang mga audience ang mga hosts. Siguro kailangan pang i-evaluate ang ilan sa kanila para at least makasabay sa powerhouse casts ng kalabang Showtime.




Anyway, pilot pa lang naman ang aking nakita at pasasaan ba't mawawala din ang kanilang pangangalay at magagamay din nila kung paano patatakbuhin ang show, sana nga. Very promising ang programa at sa aking palagay ay malaki ang laban sa kabila kung pag-iisipan pa ng todo.

Well, tignan natin kung paano ang bakbakan ng dalawang talent show na ito sa ratings game, para dito natin mahusgahan kung sino nga ba ang panalo sa kanilang tapatan.

Diz iz it, Showtime!

No comments:

Post a Comment