TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 17, 2010

Dapat nga bang mag-leave sa kanilang work ang mga celebrity endorsers ng mga kandidato?



Tanong: Dapat bang mag-leave mula sa kanilang mga media works ang mga celebrity na nag-eendorse ng mga kandidato para sa darating na halalan sa Mayo 10?

Para sa akin, hindi naman siguro ito nararapat at makatwiran.

Alalahanin din naman natin na ang mga celebrity na ito ay mga tao rin namang kailangang maghanap-buhay para sa kanilang pamilya. At siyempre bilang mga mamayang Pilipino, mayruon din naman silang karapatan na ikampanya kung sino man ang sa tingin nila ay nararapat na maupo sa ibat-ibang posisyon na hinihingi natin sa kanila para pamunuan.



Iyon nga lang siguro , para maging fair naman sa lahat ng tumatakbo, huwag na lamang banggitin sa kanilang mga shows o programa ng mga celebrity endorsers na ito ang tugnkol sa kanilang mga manok para sa darating na halalan nang hindi sila maakusahan na ginagamit ang kanilang programa para mangampanaya.

Hindi naman kasi maiaalis na may suportahan ang ating mga kilalang personalities na nasa tri-media. Unang una naman siyempre ay dagdag income ito para sa kanilang bulsa. Sino ba naman ang aayaw ?


But to be fair para sa lahat,at bilang paggalang na rin sa kanilang kapwa, mag-refrain na lang sila na magsalita anything for or against sa mga kandidato ngayong eleksyon 2010.

Ganun lang naman kasimple eh. Di na kailangan pang pahabain at gawing komplikado.

At saka kung pagrere-signin n'yo lahat yan, aba'y wala nang matitira sa telebisyon ha ha ha ha. Patay ang TV industry he he he he. Ayaw ng ABS CBN at GMA ng ganyan.

Buti si Judy Ann Santos nagback-out na sa pag-eendorso ng mga kandidato. Eh paano ba naman nabad-trip kay Senator Jamby dahil sukat ba namang sabihin that she regrets being endorsed by a celebrity during her 2004 senatorial campaign .

Kaya hayun na-trauma na sa pag-eendorse ng mga pulitiko si Nurse Jane Alcantara kaya nahuhumaling na lang kay David Briones na kasusuklaman naman ni Dra. Clarissa Briones he he he he.

No comments:

Post a Comment