TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 8, 2010

Comic Heroes in World History?

Nakakatuwa naman ang creativity nitong Indonesian photographer na si Agan Harahap at nagawa niyang i-insert ang mga comic heroes sa mga vintage pictures ng ating world history.

Ano nga kaya ano at tutoo ang mga comic hero natin, ano kaya ang mangyayari? Halina't tunghayan natin:


Si Incredible Hulk kasama ng mga Afghan fighters sa kanilang village na sinira ng mga Soviet forces nuong 1986. Oyyy, ang laki laki mo Hulk, tumulong ka ngang magtayo ng mga bahay at gusali diyan huh.


Si Batman habang nagbibigay ng utos sa kanyang mga tagasunod sa England nuong June 5, 1944. Batman , tama na ang daldal at idismiss mo na ang mga kawal mo at nang umaksyon na!


Si Captain America kasama si Nazi leader Heinrich Himmler habang iniinspeksyon ang mga POW camp sa Russia. Hep hep hurray Captain America!



Si Darth Vader kasama ang Big Three na sina British Prime Minister Winston Churchill, US President Franklin Delano Roosevelt at Russian President Joseph Stalin sa historic Yalta Conference. Hanep si Darth huh, bigatin!



Spiderman nasa Normandy , France nuong D-Day 1944? Spiderman , nangsasapot ka ba?


Si Darth Vader at ang mga sundalo ng US Navy Coast Guard nuong 1943. Darth ano na naman iyang itinuturo mo hah?




Si V kasama ang mga sumukong German Army sa France matapos silang talunin ng Allied Forces nuong 1944.
Galing ni V.

The Flash kasamang nahuli ng mga German forces nuong 1945? Eh ang bilis bilis niyan ah.



Si Batman kakampi ni Cuban President Fidel Castro? Hmmm, 'di ko alam na komunista ka na pala Batman huh.


At si Superman kapiling ang mga US soldiers hawak ang mga art treasures na ninakaw ng mga Nazis nuong World War 2. Hmmm, balak mo bang ibenta 'yang mga 'yan Superman?
O debah naman , ang tataray ng mga pictures na ito ha ha ha ha ha.
Job well done Agan!




No comments:

Post a Comment