TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, February 2, 2010

The Blind Side




Lumabas ako ng sinehang feeling good and inspired matapos kong mapanuod ang The Blind Side - a movie based on the true story of Michael Oher ( Quinton Aaron ) - a downcast vagabond who was adopted and nurtured by Leigh Anne Tuohy ( Sandra Bullock ) and her family to become an exceptional and confident mature man who was later to become famous in the field of football as an offensive lineman.




Ngayon ay sikat na sikat na at hinahangaan sa buong mundo ang dating mahiyain at palaboy na si " Big Mike " sa larangan ng football. Salamat sa pagpupunyagi at pagsisikap ng kanyang adoptive family na Tuohy kung kayat ngayon ay isa nang karangalan ng kanyang bansa si Michael Oher.


Kung sana ang bawat pamilya ay katulad lang ng mga Tuohy's na nagtiwala at naniwala sa kakayahan at abilidad ng isang mangmang at mahina ang utak na si Big Mike, sana ay mabibigyan din ng oportunidad ang mga taong mahihirap na may angkin namang kakayahan at galing sa larangang kanilang pinapasukan.

Iba lang kasi ang mga mata ni Leigh Anne Tuohy - marunong tumingin ng diretso sa puso ng tao.


Tamang tama lamang na manalo ng Golden Globe Best Actress trophy si Sandra Bullock para sa kanyang madamdamin at makatotohanang pagganap bilang maawain at maunawaing ina ng pamilya Tuohy na si Leigh Anne.

Sana marami pang Leigh Anne ang tulad niya ay may " piercing eye " na nakadarama sa abang kalagayan ng ating mga kapwa at nakahandang tumulong at kumupkop sa maraming mga Big Mike natin ngayon na naghihintay lamang ng mag-aaruga , mag-uunawa at susuporta sa kanila tungo sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

No comments:

Post a Comment