TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 11, 2010

Bigas na hindi kailangang lutuin...

Magandang balita itong naimbento ng mga scientists sa India tungkol sa isang variety ng bigas na hindi na kailangan pang iluto para maging kanin.


Ayon sa mga scientists, kailangan lang ay ibabad ito sa tubig at presto maya maya lamang ay meron ka nang masarap at malinamnam na kanin.

Tamang tama ito dito sa Pilipinas dahil alam naman nating pahirapan ang tubig dito na panghugas at pangsaing lalo na ngayong tag-tuyot. Tipid na din ito sa gas at enerhiya na kinakapos din tayo at sobrang mahal kung bibilhin mo para ipangluto.

Plus wala nang mga tutong at bahaw na maiiwan sa ating mga kaldero na later para lamang maisalba sa pagkapanis ay ginagawang sinangag ng ating mga kababayan.

Puwede na itong dalhin sa mga camping expedition o kapag maliligaw ka sa kagubatan ay puwede ka nang magsaing ng kanin na hindi mo na kinakailangang magkiskis ng dalawang bato para magprodyus ng apoy at magpabaga .


Nakakalungkot nga lang dahil mga Bumbay ang kinakailangang makaimbento nito samantalang ang International Rice Research Institute na nasa ating bansa ang siyang pinakamalaking ahensya na nagtataguyod ng pag-aaral ng mga makabagong binhi ng bigas na makakasustina sa pangangailangan ng lumolobong populasyon ng mga bagong henerasyon. Dito lamang nag-aral ang mga Bumbay na iyan, pero sila pa ang nakaimbento nito.



IRRI, gising gising, nauunahan na tayo ng ating mga kapitbahayan. Mag-imbento kayo ng bigas na sadyang ga-higante ang butil, nang sa gayon kahit isang piraso lamang ay sapat na para makabusog sa isang tao. Puwede?

1 comment:

  1. napakagandang balita yan tugon sa pangangailangan ng buong mundo na may kakulangan ng parkain at kahirapan ng buhay, kung ganon ay makapagtitipid at menos gastos sa pagsaing ng bigas. may daddag ba balita kung saan at kailan makakakmit itong uri na bigas?

    ReplyDelete