TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 1, 2010

Ate Aida is alarming....



Nakakaalarma ang latest survey na inilabas ng DOH regarding sa pagtaas ng bilang sa mga kaso ng AIDS lalo na sa mga Call Center Agent daw kuno.

Ate Aida is here again.

Diumano ay dumami ang mga may bagong kaso ng sakit na ito na kinatatakutan at nakakahawa lalo na sa mga bakla at sa mga nagtatrabaho sa Call Center.

Kung totoo man ang datos na ito ay dapat lang tayong mag-ingat at maalarma.

Aba'y hindi biro ang dapuan ng sakit na ito huh, na bigla ka na lang pandidirihan at halos itatakwil ka ng mga taong malalapit sa iyo. Trahedya ang dulot nito sa taong makakapitan nito!

Kaya nga ang payo ko sa mga kafatid: ingat at ingat at ingat lang po. Kung puwede mag-abstinence muna at huwag magpunta sa mga kung saan saang gaybar o hostohan at kung sinu-sinong mga sex partner especially yung mga hindi gaanong kakilala. Pero take note din dahil hindi porket kakilala mo at mukha namang malinis at mabango eh wala nang sakit, tandaan na sa panahon ngayon eh looks can be very deceiving.

At kung hindi naman makatiis sa pangangati; please practice safe sex. An ounce of prevention is better than a pound of cure ikanga.

Ang sabi nila ay parusa daw ito ng Diyos para sa mga third sex na siyang karaniwang inaatake ng ganitong sakit dahil sa kanilang maruming lifestyle, but I beg to disagree. Openly promiscuous lang kasi ang mga kafatiran kaya very vulnerable sa attack ng deadly syndrome na ito. Kaya nga I advise na mag-stick to one na ang mga kafederasyon which I have found out hard to do lalo na at nandyan na sa tabi mo ang mga guwapo at matitipunong lalaki, ahahayyy.

But of course , everyone naman is puwedeng ma-acquire ang ganitong sakit: bata, matanda, lalaki, babae o bakla man,lahat tayo pwedeng magkaruon nito kung hindi tayo mag-iingat.

Ang nakakagulat sa survey ay ang paglobo ng antas nito sa mga nagtatrabaho sa call center industry na
nagbu-boom sa bansa natin ngayon. Ito ay sa kadahilanang karamihan daw sa mga agents na ito ay very adventurous and sexually active lalo na sa gabi na karaniwang shift ng trabaho nila. Marami daw nagaganap na mga "escapades" sa mga ito especially at night na siyang " panahon " ng mga insomiac nightcrawler na ito.

Anut anuman, the bottomline is mag-ingat ang bawat isa. Kilalanin ang iyong kapartner at gumamit ng mga mabisang proteksyon laban sa paghawa ng sakit na ito. Don't do drugs. At tiyaking ang heringgilyang ituturok sa iyo sa mga ospital ay bago nang sa gayon ay hindi tayo mahawahan ng disease of the century na itong kung tawagin ay AIDS ( na wala namang maitutulong ( aid ) sa atin ).

No comments:

Post a Comment