TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 19, 2010

Showtime...nagbabalik....




Nagbalik na naman ang paborito kong Showtime sa TV Channel 2 after almost a week na masuspinde dahil sa maaanghang na pahayag ng isang Rosanna Roces.

Eh sabi nga ang punong mabunga ay binabato...and so there it goes.

At least tuloy ang ligaya, lalo na sa nakakaaliw na mga performances , judges , and hosts.

Special mention ang tila nakawala sa kuwadra ng Santa Ana na si Vice Ganda .


Nakakaaliw at nakakabaliw siyang panoorin. Very witty and spontaneous.

Idagdag pa ang mga lovable na hosts na sina Vhong Navarro at Anne Curtis. Plus the witticisms and trivias of Kuya Kim Atienza. Swak na swak sa panlasa ng mga manunood.

Sana lang ay palawakin pa nila ang scope ng kanilang mga talents na tinatanggap. Hindi lang puro dancers ang mag-perform kundi ibat ibang showcase ng mga talents para naman maiba araw araw, hindi yung nagmumukha na lang itong parang isang Dance Contest.

Naku, tigilan na nga iyang mga suspension suspension na 'yan noh, di naman nakakatulong sa TV industry.

May utak naman at sensibilidad ang mga manunuod kaya alam na nila ang tama at mali noh! Maniniwala ba sila sa isang Osang lamang??!!

Dahil dyan , may nag-text:

" Hayy, salamat naman at nakabalik na pala kayo sa ere ulit. Kaya sana naman sa susunod pipiliin n'yo na ang mga judges na kukunin ha, dahil alam n'yo naman na ang motto namin,' Somebody's Watching You !' " - MTRCB


No comments:

Post a Comment