TRAVELBOOK NOW!

Thursday, January 7, 2010

Osang on Teachers



Naibulalas ni Rosanna Roces ang kanyang saloobin tungkol sa pangit niyang experiences with her past teachers during her schooldays sa programang Showtime kanina sa Channel 2.

According to Rosanna , hindi naman niya nilalahat , pero dahil sa pangit na experiences niyang iyon with her teachers, one whom she said devirginizes her on her elementary days, the other hurt her when she was in high school, kaya mababa ang tingin niya sa mga guro ng ating lipunan.

Sabi nga nila, Teaching is the noblest of all the profession. In the first place, hindi naman tayo magkakaruon ng mga magigiting at matatalinong mga leader ng ating bansa at ng buong mundo kung walang mga gurong nagtiyagang magturo at magpanday ng kanilang mga isipan tungo sa karunungan at katalinuhan.

Pwedeng sabihin na behind every great men and women in the world is a teacher.


But I agree that there are some rogue teachers in this world that dare corrupt the mind of their students particularly the young minds.

I for one had a bitter experiences with some of my teachers in my school days.

Di pa rin maalis sa isip ko ang panloloko at panggu-goodtime na ginawa sa akin ng isa kong teacher sa Industrial Arts kaya hindi ako nakatuntong ng stage para maka-graduate when I was in grade 6. Ang feeling ko ay pinaglaruan niya ang aking musmos na isipan kung kayat nangyari ang bagay na iyon sa akin. That experience made a blotch on my already tarnished self worth and self esteem. That was unforgettable and unforgivable.

Another teacher made an " attempt" on me when I was in my secondary schooling. His vain advances on me made me failed his subject and later affected my schooling.

But of course there are teachers whom I have fond memories to hold for.

Para sa mga guro, nawa ay gawin ninyo ang inyong makakaya upang magsilbing gabay at patnubay ng mga kabataan, nang sa ganun , later in life ay kanila kayong titingalain ng may paggalang at respeto bilang kanilang mga ehemplo ng magandang asal at bilang isang mabuting mamamayan at hindi maging dahilan ng kanilang kapariwaraan.


"Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it.” Proverbs 22:6

No comments:

Post a Comment