TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 31, 2010

Ninoy and Cory Aquino story in MMK


Natapos kagabi ang two part series ng Ninoy and Cory Aquino story sa programang Maala-ala Mo Kaya bilang pagpupugay sa kanilang pang-18 taon sa telebisyon at mahusay na ginampanan nila Piolo Pascual at Bea Alonzo respectively.











Sa wakas ay nasilip at naisapubliko ang untold story ng pagkakakilala, pagmamahalan, pagsasama , paghihirap, pasakit at mga sakripisyong inalay ng mag-asawa bilang mga mamamayang Pilipino para sa kanilang bayan.


Nasubaybayan natin kung gaano ang paghihirap na kanilang pinagdaanan at tiniis maipakita lamang ang tunay na pagmamahal sa ating Inang Bayan.

Tunay ngang hindi naging madali ang naging pagsuong ng mag-asawa sa mga unos na dumaan sa kanilang buhay lalo na nang panahon ng pakikibaka ni Ninoy para sa kalayaan ng ating bansa na inalipin ng isang diktadurya.


Subalit nakita din natin kung paanong naging madali at magaan ang pasanin ng bawat isa dahil sa solidong pagpapakita ng suporta, pag-asa at pagmamahal ng buong pamilya para sa isat isa na dumadaan sa pagsubok ng buhay. Kung hindi dahil sa katatagan ng mag-asawa, marahil ay wala tayong kalayaan at demokrasyang ating tinatamasa sa ngayon.

Kaya't tunay na utang natin sa kanila ang ating kalayaang ipinagbubunyi sa bagong milenyo.


Salamat sa MMK dahil sa patuloy na pagbibigay ng mga makabuluhan at inspirasyunal na mga kuwento sa atin tulad ng sa bayaning mag-asawa.

Sa pamilya Aquino, salamat sa pagpapahiram ninyo sa amin ng inyong mga magulang. Salamat dahil hindi ninyo sila ipinagdamot sa amin upang kami'y isalba at iligtas laban sa mga kuko ng agila. Nang dahil sa kanilang pagpupunyagi at pagsisikap ay nagising ang aming diwa sa pakikipaglaban para sa aming karapatan.

Maraming salamat!


At para kina Senador Benigno "Ninoy" Aquino at Madam President Corazon "Cory" Aquino - Hindi po kayo nag-iisa!

No comments:

Post a Comment