TRAVELBOOK NOW!

Friday, January 1, 2010

New Year's Resolution




A Happy New Year to everyone!

Today is the first day of the year 2000 and 10. Naglaho na ang mga usok na nilikha ng mga paputok at lusis na ating sinindihan para sa pagsalubong nitong bagong taon. It's time to face the reality at balik na naman tayo sa pagharap sa panibagong isang taon ng pakikibaka at patuloy na pagsulong tungo sa mga hamon ng buhay.

Karaniwang sinisimulan ang bagong taon sa pamamagitan ng mga New Year's Resolution na karaniwan ay hindi naman natutupad. Kabi-kabila ang mga interview tungkol sa Resolution ngayong taong ito; pero kung ire-review mo after a year kung natupad ba nila ito, malamang ay sa hindi. May kaibigan akong sumumpa nuong isang taon na hindi na daw siya kakain ng four times a day para daw pumayat. Oo nga natupad nga niya , dahil naging five times a day na ang kain niya kasama ang midnight snack he he he he.

Well, here's my share of New Year's Resolution na talaga namang pangangatawanan ko dahil I have learned my lesson well.

My vow for this year is to have no commitments with anyone even for this one whole year alone.

I have come from a broken relationship just two months before Christmas that made me the saddest person in the whole world that day. It's been almost one year and a half relationship that I had to end because of several reasons that I have realized and learned from that affair.

Masarap na mahirap ang Gay Relationships.May mga sweet moments. Pero madalas, bitter and crying times. Mahirap makahanap ang mga bading ng kanilang partner na tunay na magmamahal at mag-aalaga sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda at pagkamatay. This is the sad truth.

Although meron din namang nakakahanap ng kanilang true love and soul mate partners, but that's a rarity, a one in a million. Hindi man lahat, pero karamihan, ang mga lalaking nakikipagrelasyon sa mga bakla ay karaniwang may mga " hidden agenda " at " personal motives " kung bakit sila pumapasok sa ganitong sitwasyon.

And that I have discovered too late!

On this year, I will try my best not to commit to anyone. Tama na muna. Siguro it's time to focus more on myself . I will learn to love myself more before anything else. Sabi naman : learn to love yourself, before others will love you too. Siguro nga.

I am very positive that this year will be great for everyone. Lumipas na ang nakaraan , harapin ang kinabukasan. Learn to forgive ,learn to forget, it's time to move on.

With the help of our Lord, let us greet the New Year with hope and pride that this year would be a better year for all of us Filipinos and the whole wide world!


WELCOME 2010!!!!

No comments:

Post a Comment