TRAVELBOOK NOW!

Saturday, January 23, 2010

makamahirap ( daw ) sila........



Q: What is the common denominator among the political campaign slogans for this coming elections in May 2010?

A: All of them says they are pro poor ; makamahirap at makamasa ( daw ).

Gamit na gamit ang mga mahihirap kapag dumarating ang election fever dito sa Pilipinas.


Everyone,magmula sa kumakandidato sa pinakamababang posisyon tulad ng konsehal o kapitan, hanggang sa pinakamatataas tulad ng mga Senador, Bise Presidente o maging ng Presidente mismo ay ino-over use ang pagiging mahirap o makamahirap daw nila. Halos lahat yata ng campaign slogans ay nagsasabi na sila ay makamasa o makamahirap.

Kapag dumarating ang ganitong mga panahon ng pangangampanya ay sila ang unang naiisip ng mga kandidato na kanilang nililigawan. Dahil aminin man natin o hindi, mas marami ang mga mahihirap na botante kaysa mga mayayaman, sa totoo lang!


Pero ang masaklap, kapag natapos na ang botohan at nagwagi na ang kandidatong ibinoto ng mga mahihirap ; sila rin ang unang una nitong nakakalimutan at tila ba nagkakaroon ng amnesya dahil ang hinaharap at pinagtutuunan naman ngayon ng pansin ay puro mga mayayaman at nasa alta sosyedad at negosyante! Ang mga mahihirap; nasa likod na ng isip at itsa puwera na sa eksena hmmppp! Sa susunod na lang ulit kapag eleksyon na naman!!!!


Ganito na lang ba lagi ang eksena kapag eleksyon?? Hindi na ba tayo nagsasawa sa mga traditonal politician na ito??

Minsan tayo rin naman kasi ang may kasalanan. Mapangakuan lang tayong mga mahihirap, minsan ipagpapalit na ang kaluluwa at kunsensya kapalit ng mga pangakong bigla namang naglalaho kapag tapos na ang eleksyon!!


Mayroong nakaligo na daw sa dagat ng basura. Mayroong lumaki sa kahirapan sa Tondo. Mayroong nagpapakain ng baboy dahil sa kahirapan. Mayroong nagsasabing sagot daw sila sa kahirapan. At may nagsasabing sila ang tunay na mahirap!

Nakakasawa. Nakakapeste. Nakakairita!
Tama na at tigilan na ang panggagamit sa mga mahihirap.

Dapat manindigan at tumayo ang mga mahihirap. Sino ba ang tunay na kakampi at sino ang nagbabalatkayo at gumagamit lamang sa atin????!!!!Mag-isip isip na nang hindi mapahamak at alalaong bagay lalo pang masadlak sa kahirapan.

Sabi nga ng isang campaign jingle : " ....'yan ang tanong namin, tunay ka bang isa sa amin? ..."


Masa at mahihirap - hanggang kailan ka magpapagamit????? Kailan ka magiging matalino at disenteng botante???

Ngayon na . Sa darating na halalan, iboto ang nararapat at tunay na makamahirap!!!! Yan ang sigaw namin!!!!!

No comments:

Post a Comment