TRAVELBOOK NOW!

Saturday, January 16, 2010

Kris Aquino and James Yap one more time



Nasa sentro na naman ng kontrobersya ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap dahil umano sa panunugod ni Tetay sa isang babae diumano ulit ni James na taga Valle Verde.

Kamakailan lamang ay laman na ng mga tsismisan ang pagkakaruon diumano ng relasyon ni James sa isang masahista ng Belo Clinic na si Hope Centeno. Namatay na lamang at sukat ang intriga nang hindi naliliwanagan kung ano nga ba ang tutoo tungkol sa tsismis.

At ngayon ay nauulit na naman.

Hindi ko rin naman kasi masisisi nang lubusan si James eh, guwapo at matikas ang mama, star player ng basketball, matipuno at higit sa lahat asawa ng isang kontrobersyal na personalidad; sino ba naman ang hindi magkakainteres he he he he.

At siyempre ang usual na palusot ng lalaki ; eh dahil lalaki lamang sila na likas na palikero debah naman.

At ang reaksyon naman ni Tetay ay natural lamang na reaksyon ng isang asawang natsismis na ang asawa sa ibang babae- natural na mag-imbestiga iyan at mag-hinala sa iyo.


Hayy naku, eh kasalanan din ni Kris. Pipili kasi ng guwapo at matipunong lalaki kaya hayan, magdusa siya sa kakahabol at pakikipaglaban sa pag-ibig ng asawa niya.

Kunsabagay, bakit naman kay Joey Marquez na hinding hindi naman kaguwapuhan, pero problemado pa rin ang Tetay sa mga babae nito( at hinawaan pa siya ng sakit huh), eh dito pa kaya kay Jaime na ubod ng guwapo at saksakan ng tikas ang katawan.

Oo nga siguro , hindi naman lahat ng bagay ay ibibigay sa isang tao. Kasi si Kris ay successful na in terms of career and finance. Kaya naman siguro sabi ng Diyos ; "huwag naman na pati lovelife mo eh successful pa rin" he he he he.

No comments:

Post a Comment