TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, January 6, 2010

The Jerry Springer Show



Kung meron mang isang programa sa Amerika na gusto kong i-syndicate o kopyahin at ipalabas dito sa Pilipinas ay walang iba kundi ang The Jerry Springer Show ni Jerry Springer.


Ito ay isang show sa America kung saan ay kanilang ipini-feature ang dalawa o mahigit pa na individual o grupo na may iringan o alitan at hindi pagkakasundo sa alinmang isyu na kanilang pinagdedebatehan.

Sa pamamagitan ng show ay napag-uusapan at "napag-tatalunan" kung ano ang maigi at magandang solusyon para sa ikalulutas ng kanilang mga problema o awayan.

Sa tulong ng host na si Jerry Springer, ng gallery audience, at ng mga panel of experts na iniimbitahan ay kadalasang nalulutas ang mga isyu na hindi pinagkakaunawaan.


Bagamat naging notorious na ang show dahil sa ilang mga eksenang bayolente dahil na rin sa angking galit ng mga nagiging guests sa show, tulad nang pagkakasakitan o pagbabatuhan ng mga maaanghang at masasakit na salita, ito ay pwede pa rin namang i-edit dahil hindi naman ito live na ipalalabas kaya walang magiging problema kay Chairman Laguardia.

Sa palagay ko ay makakatulong ito sa maraming Pilipino, lalo pa at maraming bagay ang hindi pinagkakasunduan ng marami sa atin, at siguradong magki-klik ito sa mga Filipino audience dahil marami sa atin ang uhaw sa exposure sa TV he he he. Na kahit nag-aaway ay gusto pa ring nakatelevise huh.

Kaya paging mga producers , i- syndicate nyo na ang programang ito at hindi yung mga programang wala namang katuturan at kawawaan .

Sino kaya ang bagay mag host ? Si Miriam Defensor Santiago , si Manoling Morato o si Joey De Leon ?

Oh joke joke lang ha, 'wag kayong magagalit, ang pikon talo he he he he!!!!

No comments:

Post a Comment