TRAVELBOOK NOW!

Thursday, January 14, 2010

Freezing Earth



Nakakaranas ngayon ng matinding tag-lamig ang maraming mga bansa, partikular ang Amerika at maraming mga bansa sa Europa.

Matitinding snowstorm at icefall ang nararanasan sa maraming panig ng mundo na ngayon lamang nairekord. Tanda ito ng mas lalong bumabagsik na paparating na Global Warming.

Record high ang mga snowstorm at ice shower sa Amerika at mga bansa sa Europe tulad ng France, Great Britain, Spain, Switzerland, Denmark, Italy, Germany at marami pang iba.

Halos lumubog na ang mga bahay at establisimyento sa mga nasabing lugar dahil sa kapal ng niyebeng bumabalot sa kapaligiran.

Naitala din ang pinakamalalamig na temperatura sa loob ng maraming taon ngayong dekada. Tanda ito nang patuloy na pagkasira ng ating pinakamamahal na Mother Earth.

Ang mga malalamig na lugar ay lalong lalamig, at ang mga maiinit na lugar ay lalong iinit.
Puwede rin ang effect na reverse climate change: ibig sabihin, ang mga lugar na malamig ay biglang umiinit at nagiging disyerto, at ang mga lugar na maiinit ay biglang nauulanan o nagkakayelo. Kaya posible na sa susunod pang mga panahon ay mababalot na ng yelo ang dating mainit na Pilipinas. Hindi ba't ilang beses na nagkaruon ng mga snowfall dito sa Pilipinas na ngayon lang naranasan?
Hangga't hindi marunong mag-alaga ang mga tao sa kanyang Kalikasan, patuloy na masisira ang ating mundo, hanggang ang ating mundo ay maging desolate at barren planet katulad ng Pluto.

How sad and grim!

Maging si Nostradamus ay nahulaan ito:

(Century II, Quatrain 95) Man will upset the balance of the earth and cause great changes in the climate and seasons, causing much hardship and famine. Major agricultural lands producing a lot of grain and food for the world today will become frozen and will be unusable. The people who live on this land and grow the food will flee like rats leaving a sinking ship. - Nostradamus

" Ang mga batang ngayon lang isinilang
May hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin?
May mga ilog pa kayang lalanguyan? " - Asin

No comments:

Post a Comment