TRAVELBOOK NOW!

Saturday, January 30, 2010

El Nino


Ano ba naman iyan, matapos ang delubyo at malawakang pagbaha nitong nakaraang taon sa atin ay tila ba tagtuyot naman ang hahagupit sa atin ngayong taong ito.

Nagbabadya ang malawakang El Nino o Tagtuyot sa bansa sa susunod na mga buwan. Ibi sabihin hindi makakatikim ng tubig ang ,maraming panig ng bansa sa susunod na mga buwan. Nagsimula na nga itong maranasan sa Visayas at Mindanao nuong isang taon pa. Dito sa Luzon ay nagsisimula pa lang ito.

Sa India nga ay malala na ang tagtuyot na nararanasan duon at libu-libong pananim na ang nasira at napinsala ng El Nino na ito. Maaaring magdulot ito ng food shortage sa buong mundo dahil India ang pinagkukunan ng malaking bulto ng pagkain ng buong mundo tulad ng bigas, mais at mga gulay at prutas.



Parang kailan lamang na walang paglagyan ang tubig sa ating lugar at umapaw na nga sa kalupaan katulad nuong panahon ni Amang Noe, pero ngayon kulang naman ng supply ng tubig ang nararanasan natin.



Epekto pa rin ito ng tuloy-tuloy at inevitable na climate change sa ating mundo.


Tapos nuong kasagsagan ng bagyong Pepeng at Ondoy ay isinisigaw ng marami na ipasara ang mga dam diyan sa Luzon dahil daw hindi maagap sa pagpapalabas ng mga tubig na iniimbak nila. Eh ngayon, gusto pa kaya nilang ipasara iyan? Mag-isip isip nga bago mag-raly rally. Hindi naman araw araw bumabagyo eh.

Kaya tuloy nung isang araw nag-brown-out na sa buong Metro Manila at Calabarzon dahil nga sa epekto ng kakulangan sa supply ng tubig sa mga dam. Sana huwag namang magdilim hanggang sa araw ng halalan.



O sya, menos menos na lang muna ang paliligo sa summer ha, at hilamos na lang muna. At ang mga pawis na tumatagaktak ipunin , pwede na ring inumin yan kapag walang wala na talagang tubig . Here comes the "drought" again sabi ng Eurythmics.

Sigurado ako walang magre-recite ngayon ng " Rain rain go away, come again another day " dahil ito ang kailangan natin ngayon, ano bah huh!

No comments:

Post a Comment