TRAVELBOOK NOW!

Friday, January 15, 2010

Earthquake hits Haiti


Sinalanta at niyanig ng isang napakalakas na lindol (7.0 sa Richter Scale ) ang bansang Haiti na nasa Caribbean Sea sa Central America. Maraming gusali at bahay ang gumuho at nawasak dahil sa lakas ng lindol at umaabot sa mahigit nang 200,000 ang namatay at nasugatan.

Ayon sa mga datos ay mahigit sa 20 na ang tala ng mga lindol na naganap sa Pacific Ring of Fire ( kung saan kasama ang Pilipinas ) nito lamang nakaraang mga Linggo at ang pinakahuli at pinakamalakas nga ay ang nangyari sa Haiti. At ayon nman sa Phivolcs ay hindi malayong mangyari din ito sa Pilipinas kapag gumalaw naman ang Marikina Fault Line at ang Manila Trench Line na every 400 years daw kung mangyari. Siguradong mapipinsala at mayayanig ng lubos ang Metro Manila kung magkaganuon man, huwag naman po sana!

Naaalala ko na ang pinakahuling malakas na lindol na tumama sa atin ay ang July 1990 earthquake kung saan napilayan at nadikdik ng husto ang Baguio, Pangasinan at Nueva Ecija,kasama na ang Metro Manila.

Very memorable ang July 1990 earthquake na iyan sa akin at hinding hindi ko makakalimutan.
Nang araw na iyon ay isinugod ako ng aking butihing father sa Labor Hospital diyan sa Quezon City dahil sa pamamaga ng aking dyan dyararan......bayag. Tila ba nagkasugat ito at namamaga kaya may - I - sugod ang lola mo sa ospital.

Sinalubong ako ng mga nars upang tingnan ang aking kalagayan. Ipinasok ako sa isang maliit na kuwarto at sinimulang eksaminin ang aking namamagang yagbols. Of course pinaghubo muna ako ng shorts at pinahiga sa isang kama na may gulong para maeksamin. Eksaktong "kinakalikot " ako ng nars na tumitingin sa akin nang biglang umuga, umalog at dumuyan duyan ang kamang kinaroroonan ko dahil sa lindol. Nagtakbuhan ang mga nars na tumitingin sa akin at iniwanan kami ni father sa kuwarto. Binuhat ako ng aking ama na hindi pa naitataas ang aking shorts at inilabas sa hallway na kitang kita ang aking jun jun. Buti na lang at busy sa pagpapanic ang mga tao nuon kaya halos walang nakapansin sa akin na "naglalakad ng hubad sa mundong ibabaw" na nililindol he he he he.

Hindi ko makakalimutan ang eksenang iyon sa tanang buhay ko.

Kaya sana habang hindi pa dumadating ang lindol dito sa atin sa ' Pinas ay maghanda na tayo. Dahil mahirap na at baka tayo ma-caught by surprise.

Teka , end of the world na ba huh???!!!!!

No comments:

Post a Comment