TRAVELBOOK NOW!

Friday, January 8, 2010

Cute Mc Donalds Commercial



Nakakaaliw ang bagong commercial ng Mac Donalds entitled Tweens tungkol sa attitude ng mga kabataan habang sila ay lumalaki patungo sa pagdadalaga o pagbibinata.

Tampok dito ang istorya tungkol sa isang bagong binatilyo na ihahatid sana ng kanyang mga magulang sa pupuntahan nito pero pinigilan niya dahil "nakakahiya" daw sa kanyang kasama.

Nang siya ay umoorder na ng pagkain para sa kanyang "date" pala na isang dalagita ay nalaman niyang wala pala siyang dalang pera pambayad.

To the rescue ang parents niya na nasa drivethrough background lamang at binayaran ang kanyang inorder nang hindi na kailangan pang magpakita sa kanila.

Tipikal ang ganitong eksena lalo na sa mga pamilyang may lumalaking mga anak: ikinahihya ang mga magulang sa mga kabarkada o kaibigan especially kapag walang porma o mahirap lang ang mga magulang.







Itinuturo ng commercial na ito ang values na sana ay huwag nating ikahiya ang ating mga magulang na ipakilala sa ating mga barkada o kaklase bagkus ay maging proud pa tayo para sa kanila dahil tayo ay kanilang inaalagaan at kinakalinga ng may pagmamahal.

In fairness , bilib ako sa mga commercials ng Mc Do huh , may mga values na itinuturo sa mga viewers nila. I remember yung Lolo na may memory lapse na at di na maalala ang kanyang apo na mahal na mahal naman pala niya. Ay love ko yung commercial na yon ha ha ha ha.

Kaya naman MC Do, Talagang Love Kita!!!!

No comments:

Post a Comment