TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 5, 2010

Cristeta Comerford

Isa na namang Filipino ang nagbigay karangalan sa ating bansa sa katauhan ni Cristeta Comerford - ang White House Executive Chef simula pa nuong 2005 at hanggang ngayon ay nagsisilbing tagapagluto sa Presidente ng Amerika na si Barack Obama.


Galing sa mahirap na pamilya mula sa Sampaloc , Manila , si Comerford ay huminto sa pag-aaral para mag-immigrate sa America sa edad na 23 upang duon magtrabaho. Unang nagtrabaho sa White House sa ilalim ng administrasyon ni Bill Clinton nuong 1995, at ten years later ay hinirang na Executive Chef nang nuo'y First Lady na si Laura Bush.



Simula nuon ay tuloy tuloy na ang naging pagsisilbi ni Cristeta sa mga nagiging pangulo ng bansang Amerika at magpahanggang ngayon kay President Barack Obama.


Kamakailan lamang ay nanalo si Cristeta Comerford sa cooking show na Iron Chef America kapartner si Bobby Flay - patunay lamang na pagdating sa pagluluto ay champion pa din ang mga Pinoy.






Congratulations Cris Comerford! Ipagpatuloy mo ang pagkilala sa mga Filipino bilang the best cook in the world!

No comments:

Post a Comment