TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 11, 2010

The Cebu Pacific Brouhaha




Maingay ang insidente tungkol sa isang diumano'y batang may Down Syndrome na tinanggihan ng mga crew ng Cebu Pacific Airline sa Hong Kong na kanilang isakay patungong Maynila , sa kadahilanang " mentally ill " ang nasabing bata.

Lumikha ito ng kontrobersiya dahil sa sapilitang pagpapababa sa mag-inang Marites Alcantara at anak nito kahit na nakasakay na sila at ready na sana for their flight nang malamang may kapansanan sa pag-iisip ang bata.

For me, I guess it's just a simple case of miscommunications and misunderstandings na hindi na dapat palakihin pa at gawing sensational. Nag- public apology naman na ang Cebu Pacific so I guess let's give them a chance to be forgiven.

Ang hirap kasi dito sa atin, andaming pumapapel na pulitiko sa isang hot issue maging center of attraction lamang ng publiko. Meron pang mga pulitikong nagpapanukala na alisan ng prangkisa ang nasabing airline bilang pagdidisiplina para dito. This kind of suggestion will not heal the wound but only aggravate it. Bakit meron ba silang trabahong pamalit sa mga masisisante kapag nawala ang Cebu Pacific?

Siguro ay nasobrahan lang sa interpretasyon ng kanilang policy ang nasabing mga crew kung kayat nangyari ang nasabing insidente. Mahirap na nga namang masalisihan ng mga psychopaths katulad ng mga teroristang nagkomando ng eroplano para ibangga sa Twin Towers ng Amerika.


O katulad ng Sarin Gas Attack sa Tokyo kung saan ay nagpakawala ng poisonous gas sa loob ng istasyon ng tren ang mga eng eng na miyembro ng Aum Shinrikyo Cult.

Pero siyempre iba naman ang kaso ng mga special child. Hindi naman sila mapaminsala katulad ng mga psycho.

Siguro ay nararapat lamang na i-update ang mga wordings and terminologies at ma-identify ng tama kung sino ba ang puwede at hindi puwedeng sumakay sa mga pampublikong sasakyan natin.

Huwag nang magsisihan pa at magbatuhan ng putik. Gawan na lamang ng remedyo ang kamalian para sa susunod ay hindi na maulit pa.

At para sa Cebu Pacific; huwag kayong mamimili ng pasaherong isasakay ninyo sa inyong eroplano. Kung sa tingin ninyo ay duda kayo sa pagkatao ng isa ninyong pasahero, madali lang namang disarmahan iyan para hindi na makapaminsala pa. Sana you have learned your lesson well.

No comments:

Post a Comment