TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 4, 2010

Burj Dubai



Pinasinayaan ngayon ang pinakamataas na istraktura sa buong mundo na nasa Middle East, ang Burj Dubai.

Ang Burj Dubai ( Dubai Tower ) na nasa Dubai , United Arab Emirates , ang siya ngayong humahawak ng record bilang pinakamataas sa lahat ng istraktura na naitayo sa buong mundo kasama na ang mga buildings , skyscrapers, towers, antennas at marami pang iba.

Sa taas na 824.5 5 m. ( 2, 705 ft. ) , maraming record ang pinabagsak nito kabilang na ang pinakamabilis na elevator travel at ang pinakamataas na residential space sa buong mundo.


Kung ikukumpara nga ito sa ibang mga structures, ay magmumukhang bulilit ang ibang mga gusali sa tayog ng newest landmark na ito ng Dubai.

Patunay lamang ito na malayo na rin ang naaabot ng Engineering at Architectural designing ng tao pagdating sa mga istraktura. Ilang dekada pa at halos maaabot na ng tao ang langit, literally. Mayruon na ngang proposal ang isang mayamang Arabyano upang magtayo ng mas matayog na tore na papangalanang Mile High Tower sa Saudi Arabia. Take note , mas doble ang taas nito kumpara sa Dubai Tower ngayon huh.

Ang nakakatakot lang nga sa ganitong mga structures ay ang panganib ng terorismo tulad nang nangyari sa Twin Towers Attack sa America kung saan ay binangga ng dalawang eroplano ang kambal na tore dahilan upang ito ay gumuho at magsilbi na lamang memorial ngayon sa atin bilang paalala sa bagsik na dala ng terorismo. Libu libo ang namatay sa nasabing trahedya na gumulat sa buong mundo.

O kung hindi naman, ay nakakatakot din ang scenario na maaaring mangyari in case of a human error or mechanical fault na mabangga nang hindi sinasadya ng isang eroplano ang gusaling ito dahil nga sa sobrang taas nito. Gaano ito kaligtas sa lindol? O kaya ay sunog ? Paano kung nagkasunog sa ground floor at ikaw ay nasa tuktok ng gusali, paano ka makakababa? Sa bilis ng elevator nito pataas at pababa, hindi ba nakakahilo at walang panganib sa kalusugan kung ikaw ay magaakyat - manaog sa building na ito lalo na kung araw - araw mo ito gagawin?

Sabi nga , sa mga bagong imbensyon na nagagawa para lutasin ang isang problema, may mga panibagong problema naman ang umuusbong kapalit ng luma.

Hmmmm, tara na sa Burj Dubai at tayo'y magpakahilo-hilo at magpakaliyo-liyo.

No comments:

Post a Comment