TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 25, 2010

Avatar



Napakaganda ng bagong obra ni James Cameron na Avatar. It is really a cinematic masterpiece and a wonderful follow up to his already classic film Titanic.

Isang kuwento tungkol sa kalikasan at kung paanong ito'y ipagtanggol at ipaglaban ng mga nilalang na tinatawag na Na'vi people laban sa mga buktot na taong nagnanais na umangkin at magmay-ari ng mayamang planeta ng Pandora.

Napakaganda ng visual presentation ng pelikula tungkol sa isang lugar na hindi pa nasisira ng tao ang kanyang kapaligiran. Ultimo isang virgin paradise ang nasabing mga rainforest and mountains na punong puno ng mga kakaibang mga halaman at hayop na gumagala dito . Malaki ang pagmamahal at pagaalaga ng mga Na'vi sa kanilang environment dahil sa kanilang paniniwala na karugtong ng kanilang buhay ang kanilang kapaligiran - at kung masisira ito ay para na rin silang kinitlan ng kanilang sariling buhay.

Kung sana'y ganito lamang mag-isip ang mga tao sa ating planeta; disin sana'y hindi maaabuso ang ating mundo.


Ngunit ang mga tao ay sadyang ganid at gahaman katulad ng karakter na ginampanan ni Stephen Lang na si Colonel Miles Quaritch na ang tanging pinahahalagahan ay ang kayamanang tinatawag na unobtainium na makukuha at malilinang mula sa lupa ng Pandora.



Panalong panalo ang visual effects ng pelikula, magmula sa mga CGI na mga nilalang na Na'vi, hanggang sa kapaligiran nila ( lalo na ang mga Hallelujah Floating Mountains at Tree Of Voices and Souls ) at ang mga kakaibang nilalang na nabubuhay dito katulad ng mga nagliliwanag o bioluminiscent na mga creatures at ang mga Direhorse ,Great Leonopteryx , Mountain Banshee atbp. na tanging makikita mo lamang sa Pandora.



Mayruon ding sariling lengguwahe ang mga Na'vi na kanilang ginagamit sa pakikipag-communicate sa bawat isa.


At high tech huh dahil puwede silang makipag-bond sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pag-connect ng kanilang ponytail sa nerve systems ng mga hayop.


Hindi kataka-takang humakot ito ng ibat-ibang awards mula sa mga awards-giving bodies sa buong mundo dahil sa pagiging perfect nito in terms of cinematic appearance. Nauna na nga dito sa Golden Globe. Susunod na sa Oscars.



Ang tanong: kailan kaya magkakaruon ng Jake Sully ang mundo na magigising sa katotohanan na ang pagmamahal sa kanilang kalikasan ay kasing halaga rin ng pagmamahal ng tao sa kanilang sariling buhay?



Hihintayin pa ba muna nating tuluyang mawasak ang mundo bago tayo maging makabagong Jake Sully?

No comments:

Post a Comment