TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, January 20, 2010

....as lovely as a tree.....

Mahilig ako sa mga puno. Natatandaan ko na nuong bata pa ako ay madalas akong umakyat sa mga puno ( especially puno ng aratiles ) na nagkalat sa bakuran namin nuon sa Marikina.

Kaibigan ko ang mga puno. Naalala ko nung aking kabataan na hinahagilap ako ni Mother para paluin dahil sa isang kasalanan, hindi niya ako makita-kita ; dahil nagtago ako sa mga puno at siit ng kawayan; makakati tuloy ang katawan ko nuon pagkatapos.

Kapag hindi ako mahagilap nila Mama at Papa nuon, alam na nila kung saan ako pupuntahan - sa ituktok ng puno ng aratiles, o ng kaimito, at duon ay ngumangasab ng mga bunga nito.

Ngayon hindi na ako nakakaakyat sa mga puno, nahihilo na ako kapag ginagawa ko ito. Pero love ko pa rin ang mga puno. Kaya naman halos madurog ang puso ng lola mo kapag may mga punong itinutumba, especially para sa larangan ng development at kaunlaran.

I love to see a tree silhouetted against a sun going down the horizon.
I love to see the mountains full of green foliage.
I love to see a forest so full of trunks and leaves of these gentle giants.
And how I love to see a pool , surrounded by these titans, mirrored in its pristine and clear waters.


Come to think of it: A tree will spend three to five years for it to become as tall and giant as it is. But man will only take one day to fall it down.






" I think that I shall never see
A poem as lovely as a tree ....
Poems are made by fools like me
But only God can make a tree " - Joyce Kilmer

No comments:

Post a Comment