TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, January 13, 2010

Ang Panday 2009


Kahapon ko lamang napanuod ang MMFF movie ni Bong Revilla na Ang Panday at masasabi kong nagustuhan ko ito.

Para sa akin ay deserving naman na manalo ito bilang Best Picture para sa nakaraang Metro Manila Film Festival dahil sa ganda nito lalo na in terms of Visual Effects. Habang pinanunuod ko nga ito ay para na rin akong nanunuod ng isang pelikulang gawa ni James Cameron o ni Michael Bay.








Eh kaya naman palang guamawa ng de kalidad at de-kalibreng pelikula ng mga Pinoy eh na maihahanay sa mga Hollywood movies, eh bakit ngayon lang yata ito na-realize.

Pulido ang pagkakagawa ng effects huh tulad ng mga dragon at mga karakter sa katatakutang Pinoy tulad ng manananggal.

Wala pa ring kupas ang kaguwapuhan ni Senador sa rehistro niya sa iskreen, kay di kataka-takang manalo ito bilang Best Actor. At ang pastor na ngayong si Philip Salvador huh, ang galing bilang kontrabida na si Lizardo kaya naman karapat dapat siya para manalong Best Supporting Actor.. Deserving din talaga si Buboy Villar para sa award niya bilang Best Child Performer.

To all the staff and crew of Ang Panday, kudos for a job well done!!

Can't wait to watch Ang Panday Part 2 naman!

1 comment:

  1. watch pinoy tv show here WATCH TV SHOW REPLAYS CLICK HERE

    or download our android application here Philipine TV Replays android app

    or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

    LIKE US : Facebook

    ReplyDelete