TRAVELBOOK NOW!

Thursday, December 31, 2009

Goodbye 2009 , Hello 2010

Ilang oras na lang at magtatapos na ang taong 2009, at papasok ang bagong taong 2010.
Katulad din ng iba ay mayruon ding mga listahan ang Daily BITES tungkol sa lilipas na taong 2009. Kung sino ang mga nanalo at natalo sa nakalipas na taon at kung anu- anong mga balita ang bumulaga sa atin para sa taong ito. Heto ang aking listahan:
HEADLINE OF THE YEAR
BAGYONG ONDOY AT PEPENG

para sa akin ay ito ang balitang umantig at kumurot sa puso ng bawat Pilipino at sa buong mundo dahil sa bagsik at hilakbot na idinulot ng pinakamapaminsalang bagyo na dumaan sa ating bansa.

WORLD HEADLINE OF THE YEAR


DEATH OF MICHAEL JACKSON

ginimbal ang buong mundo ng balitang biglaang pagkamatay ng King of Pop na si Michael Jackson.
Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa kung ano ang ikinamatay ng nasabing alamat.

SCANDAL OF THE YEAR


HAYDEN KHO AND KATRINA HALILI VIDEO SCANDAL

ginulantang naman ng mga sexually explicit videos nina Hayden Kho at Katrina Halili ang buong Pilipinas na pinagpiyestahan maging sa loob ng Senado.

WINNER OF THE YEAR


MANNY PACQUIAO

the real pride of Filipinos. lalong kumislap ang bituin ni Pacman matapos manalo sa kanilang laban ni Miguel Cotto nitong Nobyembre 2009. isang bagong bayani ang turing sa kanya ng buong Pilipino.


LOSER OF THE YEAR


THE AMPATUAN CLAN

nanghilakbot ang buong mundo dahil sa karima-rimarim na pagpatay na diumano'y isinagawa ng mga Ampatuan sa kanilang mga kalabang pulitikal sa Maguindanao. dahil dito ay halos mahigit sa 30 mga inosenteng mamamahayag ang nadamay na mamatay na siyang pinakamarami sa loob lamang ng isang araw.

GOODBYE 2009

HELLO 2010

HAPPY NEW YEAR!!!

Wednesday, December 30, 2009

Jose Rizal Day










Today is the 113th year of celebrating the death anniversary of our National Hero , Dr. Jose Rizal who was shot to death at Bagumbayan ( Luneta ) Manila on December 30, 1896.





At dahil diyan ay siya ang napili ng ating sambayanan upang gawing Pambansang Bayani dahil sa kanyang pag-aalay ng buhay para sa ating kalayaan.

Sa panahon ngayon ay marami nang lumitaw na mga bagong bayani. At marami ang nagpapanukala na napapanahong palitan na si Pepe bilang ating National Hero.
Una na ngang ikinukonsidera ay ang kanyang counterpart mula sa mga masa( dahil si Rizal daw ay mula sa mga alta sosyedad ) na si Andres Bonifacio na katulad niya aynag-alay din ng buhay para sa bayan.

May nagsasabi naman na dapat ay gawing si Ninoy Aquino na lang ang bagong pambansang bayani natin dahil sa inalay din nito ang sariling buhay para sa ating kalayaan mula sa mapanupil na diktadurya.

At ang asawa naman nito na si Cory Aquino ay pwede rin daw maging bayani dahil naman sa pagbabalik nito sa ating demokrasya.

Mayruon namang nagsa-suggest na si Manny Pacquiao na lang daw dahil sa pagbibigay nito ng karangalan sa ating bansa. At pwede rin daw si Efren Penaflorida dahil mismong CNN ay nagturing sa kanya bilang isang bayani. At meron ding nagsasabi na si Flor Contemplacion na lang daw bilang simbolo ng ating mga bagong bayani na mga OFW's na nagsasakripisyo para sa ating bansa at siyang patuloy nagsasalba sa ating bansa tungo sa isang krisis pampinansyal.


At marami pang mga suggestions ang lumalabas. Huwag lang sila Bayani Agbayani at Bayani Casimiro huh! O Bayani Fernando he he he.

Anu't anuman, ang pinaka- katangian ng isang bayani para siya matanghal bilang ating pambansang bayani ay dapat siya ay walang pag-iimbot at buong puso at sakdal na nag-aalay ng kanyang buhay para sa ikagaganda, ikagagaling, ikauunlad at ikabubuti ng lahat ng Pilipino. Dapat ay wala siyang pakialam sa kanyang sarili, bagkus ang tanging nasa isipan ay kung paano mapabubuti at maiaangat ang kabuhayan ng kanyang kapwa mga Pilipino.

That is the essence of a true Filipino hero!

Siguro nga si Rizal pa lang ang nakagawa nito kaya siya ang nahirang bilang ating national hero. Pero tandaan natin na tayong lahat ay bayani kung lagi nating inuuna ang kapakanan ng ating kapwa bago ang ating mga sarili!

Mga makabagong Jose Rizal, kailangan ka ng Pilipinas ngayon!

Tuesday, December 29, 2009

Annina Ucatis- Boobsie



Lumabas na ng bahay ni Kuya ang boobsie na si Annina Ucatis ng Germany also known as Super G nitong Linggo.
Wala nang pagpapantasyahan ang mga kalalakihan, buti naman he he he he.

Ewan ko ba , pati sa amin ay super tutok ang mga boys kapag nandyan na ang PBB kay Annina kahit na dati ay hindi naman nila sinusubaybayan.

OA naman kasi sa size ang suso na 'yan noh.

"Yan pa naman ang gusto ng mga boylet dahil feling nila ay meron silang unan na nadadaganan he he he.

Ang mga guys talaga noh, mahihilig sa malalaking suso.

Anyway, fake lang ang boobs na yan noh at hindi natural, silicone implants lang 'yan huh! Talo pa rin siya ni Betty Boop at ni Ruffa Mae he he he.

Buweno, para sa ikasisiya pa ng mga boys kay Annina na first time 'atang makakita ng Super Giant na boobs, ito pa ang mga litrato niya showing her biggest bumper ever on Philippine Television.

O boys mag-fiesta na kayo. Hinay hinay lang sa pag-me Mary Palmer at baka kayo mapasma he he he he he.

Monday, December 28, 2009

Brother Louie



Kaarawan ngayon ng aking nag-iisang kapatid na si Louie. Trenta y sais na siya ngayon.

Dalawa lamang kaming magkapatid. Pareho pang lalaki ( este babae pala ang isa he he he.)

May isa sana kaming kapatid na babae, sumunod sa akin. Kaso nakunan si Mama , kaya hayun, di natuloy ang pagkakaruon sana namin ng isang unica hija ( kaya tuloy naipasa sa akin ang katungkulan na maging unica hija he he he.)

Bata pa lamang kami ay ander na ako sa maraming bagay ni Louie. Siya ang pinakamagaling at maraming alam sa aming dalawa.

Habang nag-aaral nang magmaneho ng owner si Louie nuon, ako naman ay busy pa sa pakikipag-luksong tinik sa aking mga kalaro. Habang nagsisikap mag-aral si Louie nuon sa Kolehiyo, ako naman busy sa pagtitipa ng makinilya para magsulat.

Ang resulta: kabalintunaan ng bawat isa sa amin.
Kung si Louie ay nakapagtapos, ako hindi.

Kung si Louie ay matapang ang loob kaya nakapangibang bansa, ako naman sobrang duwag kaya hindi maka-alis alis sa pundya ng aking pamilya.


Kung si Louie ay nakapag-ipon ng pera kaya umasenso,ako naman ay naging waldas at bulagsak kaya hanggang ngayon ay umaasa sa PAL.

Marami kaming pinagtalunan. Maraming pinag-awayan. Ilang beses na niya akong napaiyak.

But in the end, kapag kailangan ko ng tulong, siya lang naman palagi ang aking naaasahan at nahihingian.

Isang beses na nilait ako ng isang kakilala, nakipagsuntukan para ako'y ipaglaban.

Brother Louie. My one and only brother in this world.

Happy birthday!

At sana'y marami pang taon ang ating pagsamahan, bilang magkapatid na nagmamahalan!

Cheers 'tol !!!!

Sunday, December 27, 2009

Ondoy Revisited



Nais ko lang i-share ang message ng aming pastor para sa aming worship service ngayong huling Linggo para sa taong 2009.

The message is about preparation and hope.

Typhoon Ondoy had been the most devastating of all the typhoons who visited the country.

And it happened in this year in the month of September.

Hindi makakalimutan ito ng marami. Halos mahigit apat na raang buhay ang nalagas dahil sa trahedyang ito.

At libu libong imprastraktura ang nasira o nawasak dahil dito. Mayaman at mahirap ay walang nagawa sa bagsik ni Ondoy at ng Kalikasan. Isa ito sa laging maaalala kapag mababanggit ang taong 2009.

Sabi ni pastor, nuon pa man ay binabaha na ang kanilang lugar sa Cainta. Pero hanggang dibdib lang daw ang pinakamataas na nangyari nuong 1999. But this year, it happened na lagpas dalawang tao ang lalim ng baha sa kanilang pook.

Naalala niya daw nung panahon ni Noah. Abala rin ang mga tao sa kani-kanyang gawain. Kumakain, nagtatrabaho, nagsasaya, kumakanta at nagsasayawan. Hindi nila alam na isang malaking unos pala ang paparating. At huli na nang matanto nila na lumalalim ang tubig at sila ay malulunod na pala. Katulad din ngayon.

Marami ang hindi nakapaghanda. Marami ang hindi naghanda. Kaya marami din ang nasayang na buhay.

Sana sa susunod mas maging handa tayo. Hindi lamang sa sakuna. Kundi maging sa pagdating ng Panginoon at sa Kanyang paghuhukom.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Laging may tulong na darating sa oras ng pangangailangan. At kung tayo ay lubos na nananalig at nagtitiwala sa Kanya, hindi Niya tayo pababayaan, sa gitna man ng unos, sa pagitan man ng mga pagsubok , sa laot man ng paghihinagpis.

Nawa, ang aral na hatid ng Bagyong Ondoy ay hindi mawaglit sa ating isipan, bagkus ay magsilbing paalala, na ang pag-aalaga sa Kalikasan ay ating isagawa na dili iba't tayo ring mga tao ang sumisira sa obra maestrang ito ng Maykapal

At tayo ay walang magagawa kung hindi tayo papatnubayan ng ating Panginoon.

Amen!

Saturday, December 26, 2009

The Dishwasher


Kung meron mang household chore na gustong gusto kong gawin, ito'y walang iba kundi ang paghuhugas ng mga kinainan o dishwashing.





Si Mama ang nagturo sa akin kung paano maghugas ng mga plato at baso na aming kinainan. Kaya naman sa murang edad ay natutunan ko na ang tamang paghuhugas ng mga ito. At talaga namang naaasahan ako ni mother pagdating sa gawaing bahay na ito.

Kaya nitong nagdaang Pasko ay sangkaterba na naman ang aking hinarap sa lababo upang hugasan at linisan.

Nakapagtrabaho na din ako dati bilang dishwasher sa Goodah restaurant diyan sa Greenhills , San Juan.
At masasabi kong I've enjoyed every minute of my brief stay in that restaurant doing the dishes.

Hindi pa uso nuon ang mga dishwashing products. Baretang sabon ang aming ginagamit nuon na panglinis.

Subalit ngayon ay marami na ang mga dishwashing products na lumabas sa merkado at nag-aadvertise na epektibo daw silang panghugas sa mga nanlilimahid at nanggigitatang mga plato at baso at mabisang pantanggal daw ng sebo.

Walang problema kung ang huhugasan mo ay mga porselana at babasaging mga china o utensils. Madaling matanggal ang mga sebo dito dahil hindi sila kumakapit sa glass. Ang nagkakaproblema ay sa mga plastic and melawares .
Dito pahirapan talaga, dahil makakailang pahid ka muna ng dishwashing products bago maalis ang sebo, taliwas sa kanilang patalastas na isang pahid lang ay tanggal agad ang dulas. Mabuti pa nga minsan ang bareta dahil mas nakakaalis pa ng sebo.

Nasubukan ko na rin ang mga leading brands ngayon sa merkado na dishwashing products in paste, liquid or bar form, but sad to say, lahat sila ay hindi epektibong pantanggal ng sebo; at least sa mga plastic wares, tulad ng marami sa aming paminggalan.

Magmula sa Dazz, Axion, Wings, Mr.Clean at maging Joy ay hind na-solve ang problema ko pagdating sa sebo.

Still our inventors would want to research more on dishwashing effectiveness against oil and grease.

O sebo, layuan mo ako!

Friday, December 25, 2009

Bro , Ang Star Ng Pasko

This ABS CBN Christmas Station ID says it all.

This is a fitting tribute to all the hardships and trials we Filipinos have faced this year.

Hope is there. Especially when you have Bro on your side.

Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag

Ang liwanag na ito
Nasa 'ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko

Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig lalong higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo'y makakaahon

Ang liwanag na ito
Nasa 'ting lahat
May sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko

Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko

Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko

Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko

Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!

Thursday, December 24, 2009

Briones Reunion and Christmas Party 2009

Ginanap namin ngayon ang aming first ever Family Christmas Reunion Party sa compound ng aming tiyuhin na si Mr. Rudy Briones.

Malaki ang angkan ng mga Briones na nagmula sa Camarines Sur, Bicol. Siyam na magkakapatid ang nasa side ng aking ama at panglima siya mula sa panganay. Dito sa Antipolo ay nasa isang compound lamang kaming magkakamag-anak nakatira. Subalit kahit ganun kalapit ang bawat isa sa amin ay tila ba napakahirap mag-ipun ipon dahil sa ilang mga kadahilanan tulad ng kawalan ng oras , busy sa kanya kanyang gawain at, pagkakanya- kanya, kawalan ng pera at ilang mga hidwaan na tunay namang nagpapahiwalay sa aming mga kamag-anak.

Ngunit dahil sa initiative ng inyong lingkod at katulong ang ilang mga pinsan at pamangkin ay napagpasyahan naming magdaos ng isang get together reunion cum Christmas party nang sa gayon ay magsama-sama at tuluyang maghilom ang mga sugat na ginawa ng alitan at pagkakanya- kanya bagkus ay maipalaganap ang pagkakaisa at pagmamahalan sa bawat kamag-anak. Ang sabi ko nga , sino pa bang magdadamayan, kundi kami ring mga magkakapamilya.

At ngayon nga ay naganap ang isang napakalaking reunion na dinaluhan ng bawat isa mula sa lumalaking angkan ng mga Briones at naipakita ang solidarity and love among the family.

Lahat ay may galak na nakipag-isa sa salu salo. Bawat pamilya ay may dalang pagkain na aming pinagsalu-saluhan pagdating ng Noche Buena.

Nagsalita at nagpahayag ng kanilang mga saloobin ang bawat isa na naging daan upang magkapatawaran sa anumang mga hidwaang namagitan sa bawat kampo, nagpaliwanagan at nag-usap ng maayos at masinsinan upang mapagkasunduan ang mga bagay na kanilang pinagtatalunan o hindi pinagkakasunduan.

Matapos ang isang maiksing programa na binubuo ng mga palaro , exchange gifts, intermission numbers, raffles ,kantahan at sayawan , tapos ay kainan ,ay sabay sabay naming sinalubong ang Pasko sa pamamagitan ng kapit kamay na pag-aawitan sa saliw ng Star Ng Pasko ng ABS CBN at matapos nito ay sabay sabay na nagyakapan upang maipadama ang pag-ibig at pagmamahalan at tuluyang magkaisa tungo sa pag-unlad at pagbabago ng aming mga buhay.

Tunay na isang makabuluhan at masayang pagsalubong sa Pasko ang nangyaring party sa aming angkan na nagpakita na tanging pagmamahalan ang magbubuklod sa amin upang hindi magkawatak watak sa anumang bagay na aming pinagkakaibahan.

Naipakita dito na , sa kahuli-hulihan, anuman ang mangyari , ay kapamilya mo pa rin ang iyong matatakbuhan sa mga oras ng iyong pangangailangan.

Mahalaga ang pagkakaisa at pagmamahalan sa isang pamilya. Ito ang magiging giya ng bawat isa para magpa-alala na tayo ay may isang pamilyang maasahan na magtatanggol, dadamay at tutulong sa atin sa oras ng mga pangangailangan at kagipitan.

Mahal ko ang aking pamilya at mga kamag-anak. Sila ang nagbibigay inspirasyon upang patuloy na lumaban sa mga pagsubok ng buhay. At alam ko na nandiyan lamang sila sa oras na tawagin ko sila sa oras ng pangangailangan.

Sa bawat isa, isang mapagpala, mapagmahal at punong puno ng pag-asang bagong taon ang sumalubong sa ating lahat.

Wednesday, December 23, 2009

Laos SEA Games


Natapos na pala ang SEA Games sa bansang Laos nang hindi man lang natin namamalayan.

Ang over-all standing natin sa katatapos na palaro ay pang-lima with 124 total number of medals na ating nahakot, 51 dito ay gold.

Malayong malayo sa standing nuong 80's , 90's hanggang early 2000 kung saan tayo ay nangunguna.

Ngayon pang-lima na lang tayo.

Ano ang ibig ipahiwatig nito? Na hindi na sports-minded ang mga Pilipino ngayon? Eh tila ba puro Dota at Computer Games na lang ang alam laruin ng mga kabataan ngayon ah.

Kung ganito nang ganito ang magiging standing natin kada meeting ng SEA Games, baka dumating ang araw na tayo na ang nasa kulelat na standing at mas mababa pa tayo sa bansang Timor huh.

Ito ay sa dahilang hindi yata napagtutuunan ng pansin ang Sports sa ating bansa. Tila ba kulang sa suporta ang ating mga atleta pagdating sa pag-eensayo at pagmamantini ng mga kagamitan para rito. Tila ba hindi ito priority ng ating gobyerno sa kasalukuyan. Ang pagpapalakas sa ating Sports competitiveness.

Salamat na lang at umaarangkada tayo sa larangan ng Boxing with our pride Manny Pacquiao; ganundin sa larangan ng Billiards with the name of Efren " Bata " Reyes, kung hindi, siguradong plakda tayo at bugbog sarado sa mga kalabang atleta ng ibang bansa.

Mhina ang suporta sa larangan ng Palakasan dito sa ating bansa. Kahit sa mga facilities lang at equipment ay kulang na kulang tayo. Kaya naman marahil ay hindi na tayo magtataka kung mga lampa at lantang gulay ang mga susunod na henerasyon ng ating mga kabataan at mamamayan.

Hindi pa naman huli ang lahat. Marami pang susunod na South East Asian Games, at sana sa susunod ay paghandaan natin ang event na ito nang sa gayun ay maibalik natin ang glory na tinatamasa natin nuon tuwing may palaro na ating sinasalihan.

Kailan ulit tayo makakakita ng mga susunod na Lydia De Vega, Elma Muros, Eric Buhain, Onyok Velasco at marami pang iba.

Piko na lang ba at patintero ang Sports natin huh?

At ay rate, congratulations na rin sa mga nag-uwi ng medlaya sa nakaraang Laos SEA games. Mabuhay kayo!

Tuesday, December 22, 2009

Krista Ranillo in May Bukas Pa



In fairness ay napaiyak ako ni Krista Ranillo as Mia sa teleseryeng May Bukas Pa sa kanyang confrontation scene with fellow actress Susan Africa kagabi huh.

Madamdamin at puno ng emosyon ang pagganap ni Krista sa nasabing eksena kung saan ay kinumpronta niya ang kanyang ina tungkol sa hindi nito pagmamahal sa kanya bilang anak na si Mia.



Si Mia ay isang dalaga na nagtatrabaho at pilit na ginagampanan ang kanyang responsibilidad at tungkulin sa kanyang pamilya( ina at dalawang kapatid ) bilang kanilang breadwinner.

Sa araw ay isa siyang Prinsesa sa isang karnabal ( Enchanted Kingdom ) , habang sa gabi naman ay kumakayod bilang isang taxi driver.

Pangarap niya na mapagtapos niya ang kanyang dalawang kapatid sa pag-aaral na mismong siya ay hindi niya nagawa. Subalit hindi ito natupad ng kanyang mga kapatid matapos na malulong sa barkada ang kapatid niyang lalake, at mabuntis naman ang kanyang kapatid na babae.

Samantala ay laging pinupuntahan ng kanyang ina si Mia sa pinagtatrabahuhan nito upang humingi ng pera, na halos hindi man lamang makumusta kung ano na ang kalagayan ng kanyang anak. Ang masaklap nito, ang bawat pera palang kanyang pinaghihirapan ay nauuwi lamang sa wala dahil sa paglustay ng mga ito sa mga bagay na walang kabuluhan.

At sa climax scene ay kinumpronta ni Mia ang kanyang ina at sabihing hindi siya mahal nito kundi ang kanya lamang pera. Na wala itong ginustong makuha sa kanya kundi ang kanya lamang pera. Na hindi siya naaalala nito at hindi inuunawa bilang kanyang anak. With matching sampalan blues, swak na swak si Krista sa nasabing role, bilang isang anak na hindi nabibigyang importansya ng kanyang mga kapamilya.




Parang may malalim na pinaghugutan ang aktres sa nasabing eksena huh. Hindi kaya ang latest scandal na kinasangkutan niya with Manny Pacquiao? Napicture niya siguro na si Jinkee Pacquiao ang sumampal sa kaniya imbes na si Susan Africa he he he.

In the end ay nagkaayos din ang magkakapamilya sa tulong ni Bro at ni Santino matapos mag-agaw buhay nang maaksidente ito at maholdap sa kanyang minamanehong taxi. Alls well that ends well.
Kudos to Krista as Mia in May Bukas Pa.

Sana sa tutoong buhay ay ganito rin.

Alls well that ends well.

Monday, December 21, 2009

Dalawang Bituing Lumipas










Dalawang kilalang personalidad sa magkabilang panig ng mundo ang namaalam nitong Linggong ito.

Two stars in their own right, bid farewell to us all.

Una ay ang bituin sa buhay ng isang Megastar na si Yaya Luring ( Loreta Benitez ) ng Pilipinas ay sumakabilang buhay sa edad na 83.

Si Yaya Luring na marahil ang pinakasikat na yaya sa buong mundo.
Sa loob ng halos 40 taon, saksi ang Philippine showbusiness kung paano inalagaan at pinalaki ng buong pagmamahal ng isang hindi kilalang yaya ang isang artista magmula nang siya ay bata pa lamang hanggang sa paglaki at pagsikat ng isang nagngangalang Sharon Cuneta sa industriya ng pelikula. Marahil ay hindi naman kalabisang sabihin na sa likod ng tagumpay ng isang Megastar ay ang isang natatanging bituin sa katauhan ni Yaya Luring.

It goes to show na kahit hindi mo kadugo o kapamilya ang isang tao, kapag pinakitaan mo ito ng buong pusong pagmamahal, ay mamahalin ka din at susuportahan nito nang higit pa sa lahat ng ibinibigay mo.

Sa kabilang ibayo naman, sa bansang Amerika ay ginulat din tayo ng anunsyo ng biglaang pagkamatay ng isa pang bituin , this time ng Hollywood na si Brittany Murphy sa edad na 32.

Batang bata pa at punong puno ng pag-asa, maagang inagaw ni Kamatayan sa ating kalagitnaan ang isang nilalang na una nating minahal sa pelikulang Clueless. Nakakagulat at nakakagimbal ang balita lalo pa't hindi naman natin nabalitaan na may sakit ang nasabing aktres. Patunay lamang na, no one is invincible when it comes to death!

Pinakanagustuhan ko siya bilang si Sarah sa pelikulang Just Married katambal si Ashton Kutcher, at siyempre sa Clueless bilang si Tai.

Dalawang bituin. Ang isa , iginupo ng kanyang katandaan. Habang ang isa naman ay dinagit sa kanyang kabataan.

Ang isa ay nasa likod ng isang Megastar.

Samantalang ang isa ay ang Star ng pelikula ng ating buhay.

Farewell, our two stars. May your light continue to shine and twinkle upon us even when you both now are in the distant place from afar.

Sunday, December 20, 2009

Fondest Farewell Madame Cory....



Once again, our dearest President Corazon Cojuangco Aquino graced Time Magazines issue this December in their obituary pages entitled Fond Farewell.
Tunay nga namang walang maikukumpara sa kontribusyong iniambag ni Cory sa larangan ng matahimik na pag-aalsa na ginaya at patuloy na ginagaya ng maraming bansa sa mundo.

Ito ang di matatawarang ambag ng ating Pangulo at ng buong Pilipino sa mundo. Dahil sa kanya ay naibalik ang pinakaaasam na Demokrasya sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon ng mga mamamayan na hindi kailangang may dugong tutulo o dadanak makamtan lamang ang minimithing kalayaan.






Patunay dito ang patuloy na pagpaparangal na iginagawad ng Time Magazine sa kanilang 1986 Woman Of The Year icon. Ilang beses naging cover ng pamosong magasin ang ating bayaning si Ma'm Cory at kung ilang beses nang nai-feature ang kanyang istorya sa nasabing internationally reconized and acclaimed magazine na nagpapatunay na siya ay iniidolo at hinahangaan saanmang panig ng mundo.

She was even listed as one of the 60 Asian Heroes by that same magazine in their 2006 issue along with Mother Teresa, The Dalai Lama, Mohandas Gandhi and Aung San Suu Kyi.

With this fitting tribute, we are one in highly saluting and honoring our own hero , Madame Cory Aquino, as our inspiration, our pride and our legacy to the world. We remember her undying love for our country and the toughness and resiliency she showed even in the midst of crisis and uncertainty.






We love you and we really miss you, our dear President.

We will not forget you and you will be forever etched in our heart as our dear mother who truly loved us all!






Saturday, December 19, 2009

Wanted: Jason Ivler








Naglabas ng Arrest Order ang gobyerno para sa puganteng si Jason Ivler na siyang pinaniniwalaang nakapatay kay Renato Victor Ebarle Jr., anak ni Assistant Secretary Renato Ebarle dahil sa isang simpleng awayang trapiko.

Itinaas ang reward sa 1 Million pesos para sa agarang pagkakadakip kay Jason Ivler sa sinumang sa kanya ay makahuhuli. Ito ay upang mabigyan agad ng hustisya ang nasabing walang kwentang pamamaslang kay Ebarle Junior.

Ang krimeng ito ay likha ng Road Rage na nangyayari kapag nagkakagirian ang dalawang panig sa kalsada dulot ng isang hindi pagkakaunawaan hinggil sa nangyaring aksidente tulad ng banggaan o kahit sa simpleng gitgitan lang ng mga sasakyan sa daan.


Karaniwan na kasing maiinit ang ulo ng mga tsuper o driver ng mga sasakyan lalo na kapag sila ay naiipit sa trapiko o naaabala sa kanilang mga lakad o pupuntahan. Kaya kapag nagkaruon ng gitgitan sa kalsada ay agad tumataas ang temperatura ng bawat isa na lalo pang pinasisidhi kapag may bitbit na armas ang isa sa bawat driver na ito. Road Rage ang sumasabog.

Matatandaan na nuong 1991 ay isang celebrated Road Rage incident din ang nangyari sa pagitan nina Eldon Maguan at Rolito Go sa San Juan City. Ito ay nang walang kaanu-ano ay pinagbabaril na lamang ni Go ang driver ng nakabanggaan niyang sasakyan sa Wilson Street na si Eldon Maguan.

Katulad na lamang nung isang araw na sakay ako ng jeep at nakabanggaan nito ang isa ring jeep sa kahabaan ng Marcos Hiway sa Antipolo. Dahil sa labis na galit ng driver ng nakabanggaan naming jeep sa driver ng sinasakyan naming jeep ay kumuha ito ng bato at inihagis duon sa loob ng aming sinasakyang jeep. Mabuti na lang at walang nasaktang mga pasahero.








Buweno, para sa agarang ikadarakip ng kriminal na si Jason Ivler; masdan ang kanyang larawan, at kapag inyong nakita ay ireport agad sa pinakamalapit na tanggapan ng NBI. May naghihintay na isang milyong pisong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kanyang kinaroroonan.

Let us fight Road Rage. Let us help in fighting Senseless Street Killing.

Friday, December 18, 2009

Christmas Carol

Malapit na ang Pasko kung kayat marami na din ang nagka-caroling na mga bata sa bawa t bahay bahay.
Dala ang kanilang tambol na yari sa lata at plastic, tambourine na gawa sa pinitpit na tansan at maracas na yari mula sa bao ng niyog na nilagyan ng mga bato sa loob. Kung wala namang mga improvised na instruments na ito ay pwedeng palakpak na lang ng kamay ay aarya na.

Naranasan ko rin ang mangaroling nung bata ako. At para sa akin nun, napakasarap ng feeling kapag maabutan ka ng barya ng mga bahay na inaawitan mo. Feeling heaven na kami nun kapag nabigyan na kami ng piso sa bawat bahay.


Kapag nakapagbigay ng barya ay dumadagundong ang " thank you thank you thank you very much thank you"
na pasasalamat namin. Kapag di nakapag-abot ni isang kusing at sisigawan pa kami ng " patawaaadddd! "
ay umaalingawngaw na " thank you thank you, ang babarat ninyo thank you" ang aming sinisigaw.

Nung magdalaga este magbinata na ako ay nagkaroling din kami ng grupo namin sa Simbahan. This time ay iba naman ang ambience dahil kumpletos rekados na ang instrumento namin tulad ng gitara, tambourine, maracas at minsan ay timpani drum; with matching opera-like voices na ume-echo sa buong kalsada sa aming pagsasalimbayan- hindi katulad nung bata pa kami na di mo alam kung saan papunta ang aming tinig-sa Cubao ba o sa Recto.

At this time ay bongga na ang bigayan ng pera-nakasobre na, at hindi lang basta barya, salaping papel na ang nakalagay sa solicitation letter na aming iniaabot. At kung minsan ay patutuluyin pa kami sa bahay para mag "meryenda".

Sari sari na ngayon ang nagka-carolling, hindi na lang mga bata. Marami na ang matatanda; at minsan pa nga ay mga senior citizen na ay nangangaroling pa rin. At imported na rin ang iba; tulad ng mga badjao sa Sulu, Ita sa Zambales at Pampanga at mga Igorot sa Benguet. Marami na ring nangangaroling sa kalsada, sa jeep, sa bus at ngayon pati sa mga mall! O debah naman, onli in da Pilipins. Bilib naman ako sa mga kabarangay na nakita ko sa Rated K ni Ate Koring na imbes na sila ang bibigyan, ay sila pa ang namimigay ng aginaldo sa bawat bahay na kanilang tatapatan ng carolling - saludo naman ako sa inyo!

Tunay nga namang malayo na ang naging evolution ng carolling dito sa Pilipinas hindi tulad nuon na monopolized lang ng mga bata.

At any rate, parte na ito ng Kapaskuhan sa Pilipinas kaya hindi naman natin mapipigilan. Huwag naman sanang matulad dun sa nangyari sa awiting Kagat Ng Aso ni Andrew E na ang mga nagkacaroling ay ipinalapa sa aso, o kaya yung naibalita sa TV na ang mga carollers ay tinapunan ng paputok kaya nadisgrasya pa ang mga kawawang revellers.

As the old song goes: " Happy days are here again..." Minsan lang naman ito sa buong isang taon,debah naman.

Thursday, December 17, 2009

Simbang Gabi



Nagsimula na kagabi ang tradisyunal na Simbang Gabi o Misa De Gallo na ang literal na ibig sabihin ay "misa para sa tandang" dahil ito ay ginaganap tuwing gabi o madaling araw kung saan kadalasang maririnig ang tilaok ng mga tandang.

Kasabihan ng mga matatanda na kapag nakumpleto mo daw ang 9 day novena nito hanggang sa bisperas ng Pasko ay matutupad ang iyong mga kahilingan.

Kaya naman kapag dumarating ang Misa De Gallo ay marami ang nagaganyak na gawin itong panata nang sa ganun ay makamtan nila ang katuparan ng kanilang mga ninanais.

Isa ako sa mga nakipag-unahan sa pagsisimba kagabi at halos hindi mahulugang karayom ang simbahan sa dami ng tao. Napansin ko na karaniwang nagsisimba ay mga kabataan at gangster talaga o grupo grupo sila kung sumugod sa simbahan. Ngunit mapapansin mo na halos hindi naman sila nakikinig sa sermon ng pari dahil lahat sila ay abala sa kanilang sariling mga programa at agenda para sa kanilang mga grupo o tropa. Karamihan pa sa kanila ay nasa labas na lamang ng simbahan at duon nag-uumpukan para sa kanilang mistulang " miting de avance".

Ang naiwan sa loob na mga matatanda ay nagsusumiksik sa kakapalan ng tao ang pilit na nilalabanan ang ginaw at antok upang di makatulog sa sermon ni Father.
Ang mg bata naman ay mistulang nakahanap ng kanilang sariling playground at abala sa paglalaro sa kanilang mga kapwa bata.

Nanunuot sa kasu-kasuan at buto ang lamig ng simoy ng hangin. Kung may rayuma ka, siguradong susumpungin ka nito dahil sa ginaw.

Ngunit kung gusto mo namang magpainit ay nandiyan ang tinda ni Manang na mainit na salabat o tsaa at presto mawawala ang nararamdaman mong pangingiki.

Pwede ka ring lumantak ng mainit na bibingka o puto bumbong ni Ate saka mo sabayan ng kape o tsokolate na masigabong inilalako sa paligid ng kapilya. Buhay na buhay ang kalakalan kapag ganitong panahon. Tila ba fiesta ang nagaganap sa dami ng komersyalismo at tanawin na iyong mamamasid na nangyayari sa iyong paligid.

Hindi ko na halos marinig ang sermon ni Father tungkol sa darating na halalan. Na mging matalino daw tayo sa mga kandidatong ating iboboto nang sa gayun ay makamtan na ang kaunlaran ng Pilipinas. A timely message indeed he he he.

Bukas ano naman kaya ang mensahe ni Father? Sana tungkol sa family planning he he he.

Sana makumpleto ko ang siyam na gabing simbang ito nang sa gayun ay makamtan ko ang aking munting hiling. Walang iba kundi World Peace ( charot , eching he he he, parang sagot ng isang Miss Gay contestant )

Iyan ay kung hindi ako aantukin dahil sa ininom kong Sleepasil. Ang hirap naman na kasing matulog pagkatapos! Feels like Insomniac ahaha.

Halika na, Simbang Gabi na tayo!