Monday, November 30, 2009

Jose or Andres?




November 30 - ngayon ay ipinagdiriwang ang kaarawan ng bayani ng Katipunan na si Andres Bonifacio.

May mga nagsasabi na sana daw ay si Andres ang ating Pambansang Bayani imbes na si Jose Rizal.

At siyempre may mga tututol dito at sasabihing karapat dapat si Jose Rizal bilang ating Pambansang Bayani.

Ang dalawa ay pinagdedabatehan dahil na rin sa magkaibang klase ng lipunan ang kanilang nirerepresent.

Habang si Pepe ay gusto ng mga elitista, mayayaman at edukadong tao; si Andres naman ay nasa puso ng mga mahihirap, masa at di nakapag-aral na mga Pilipino.

Heaven and Earth apart ang klase ng pamumuhay ng dalawa nung sila ay isinilang. Kung si Pepe ay isinilang sa mayamang angkan ng mga Mercado at Realonda sa Calamba , Laguna, at nakapag-aral sa mga de-kalibreng eskuwelahan dito at sa abroad; si Bonifacio ay isinilang naman sa isang mahirap na pamilya sa Tondo at maagang naulila sa mga magulang kung kayat hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral.

Si Rizal ay isinulong ang isang mapayapa at maabilidad na pamamaraan ng rebolusyon; samantalang si Bonifacio ay sa isang matapang at agresibong paraan ng himagsikan ang pakikipaglaban.

May mga nagsasabing si Rizal ay matalino,pero duwag!
Habang si Bonifacio naman ay matapang, ngunit bobo!

Anut anuman, ngayong makabagong panahon ay parehong ipinagdiriwang ng sambayanan ang kanilang kagitingan: si Andres ay ang araw ng kanyang kapanganakan tuwing Nobyembre 30, at si Rizal naman ay ang araw ng kanyang kamatayan tuwing Disyembre 30.

Para sa akin, anuman ang dahilan ng iyong kamatayan dahil sa pakikipaglaban mo para sa ating bansang Pilipinas ay isang magiting na kabayanihan!

Kaya para sa akin, ang dalawang ito ay parehong Pambansang Bayani ng ating lahing Pilipino!

Sunday, November 29, 2009

Tugon - Butch Charvet



This song is entitled Tugon by Butch Charvet. The lyrics says all my sentiments and angst in this world! I always listen to it when I'm down and when I'm blue. After I listen to it, this song always makes me glad and more optimistic. May pag-asa pa rin kahit papaano sa tulong ng Diyos! Amen!

Try to listen to it in youtube.




Makulimlim ang panahon
at di humuhuni ang ibon
dumaraing at nananaghoy
ang puso mong di naghihilom
sa pagdating ng bukang liwayway
at wala sayong dumaramay
lalo lang nauupos
ang pag-asang dati nang kapos

Kayhirap ngang unawain ang taong nasisikil
tila ba walang pag-asa
tila ba mundo'y nagunaw na!

Ang nais mo ika'y mapansin
ang yong damdami'y intindihin
lalo lang lumalabo
pagkat sila'y lumalayo
ang tao nga'y sadyang ganyan
minsa'y di na nga makaramdam
ng nais mong iparating
Diyos na lang ang nakababatid

Kayhirap ngang unawain
ang tao minsa'y sakim
ito'y di mo makakayanan
kung si Hesus hindi mananahan
sa puso mong tigang!.......

Saturday, November 28, 2009

2012-the day the world will end















Kahapon ko lang napanuod ang pelikulang 2012 ni Roland Emmerich tungkol sa pagkagunaw ng mundo sa taong 2012.










Hanep ang special effects ng pelikula huh, at masasabi kong ito na ang "mother of all disater movies" na nagawa sa buong mundo.










Hindi ko rerebyuhin ang pelikula, bagkus ang nais kong pansinin ay ang tungkol sa plot nito na "end of the world" scenario.










Kailan nga ba magugunaw ang mundo o ang Apocalypse?










Aba,malay. Ewan ko. Walang nakakaalam kung kailan!










Kahit nga ang Diyos di niya alam eh, tayo pa kaya!










Uso na naman ang mga ganyang predictions lalo at magtatapos ang taon.










Gaya na lang nuong bago mag year 2,000 na may magaganap daw na Y2K incident na hindi naman nangyari.










Marami nang mga hula ang pinakalat kung kailan daw magugunaw ang mundo.










Pero sa awa ng Diyos,lahat iyon hindi natupad!










For sure, magugunaw ang mundo! Sigurado darating yan!










Pero kung kailan, walang nakakaalam!










Basta ang alam ko , hindi sa taong 2012!

Friday, November 27, 2009

Pay Restroom




Tila nagiging isa nang malaking negosyo ang mga "Pay CR" o iyong mga kubeta na kailangan mo pang bayaran bago ka makaihi o makatae o kahit makapag-ayos man lang ng iyong sarili.




Okay lang sana kung sa labas.




Pero pati ba naman sa loob ng mall ay may ganito na rin!




Kung saan ang mga tao ay pumupunta upang tangkilikin ang kanilang establisimyento.




Tapos ni simpleng pag-ihi lang o pagkakasilyas ay pagbabayarin ka pa!




Nasaan na ang kanilang " customer service " na ipinangangalandakan.




Di ba nila alam, na dahil sa mga customer na dagsang dumadayo sa kanilang mga mall ay nabubuhay sila.




Tapos pati ba naman pag-ihi ay pagkakakitaan pa rin!




Wala itong pinag-iba sa mga pay parking. Pumunta ka na nga sa mall nila, pagbabayarin ka pa sa pagparada mo ng sasakyan mo sa kanila.




Eh bakit kasi nagdala ka pa ng sasakyan! Kasalanan mo yan!




At bakit kasi kailangan mo pang umihi sa loob ng mall.




Sa pink urinal na lang ng MMDA. Libre pa!




Baka naman sa susunod pati pagsakay sa escalator o elevator ay may bayad na rin he he he he.

Thursday, November 26, 2009

Demonyo Sa Lupa

Mag-ingat sa gumagalang Demonyo sa Lupa!


Ang demonyong ito ay pumapatay ng tao!


At wala siyang pinipiling patayin!


Bata, matanda, at kahit babae man o buntis pa ay kaya niyang patayin!


At hindi lang niya basta pinapatay!


Bagkus ay pinapahirapan muna at ginagahasa bago niya patayin!


At wala rin siyang sinasantong mga tao!


Kahit miyembro ka pa ng media ay tiyak papatayin ka niya!


At lalong walang kadahi-dahilan kung bakit siya pumapatay!


Kahit isa ka lang inosenteng tao at sibilyan na nadaanan niya ay siguradong papatayin ka niya!


Masdan ang mukha ng Demonyo!


At mag-ingat dahil baka ikaw naman ang sumunod na biktima niya !

Wednesday, November 25, 2009

Corned Beef Or Corned Tuna?










Nakakaaliw naman ang bagong disclaimer commercial ng Argentina Corned Beef wherein Host Boy Abunda is taste testing kung alin ba ang totoong " corned beef ".








At ang host ay buong ningning na sinabing " mas lasang corned beef ang Argentina ".








Eh paanong hindi nga lalasang corned beef yan eh talaga namang corned beef nga yan ha ha ha.








I think, for me, there is no comparison or even a rivalry between a "corned" beef and a "corned" tuna.








Dahil magkaiba naman sila ng produkto, yung isa baka, at yung isa naman , tuna!








Ang common denominator lang is the "generic" word na " corned ", which means " salted " at hindi ibig sabihin na may "mais ang baka". Hindi naman siguro nabili ng Argentina ang salitang " corned " para magreact sila ng ganyan.








So if you cure a tilapia with a "corn" or grain of salt , corned tilapia na yan. Ditto with corned bangus, corned chicken, corned sheep o corned dilis he he he he.








Ang tunay na kalaban ng Argentina ay ang 555, Ligo, CDO, Swift, Purefoods at iba pang brand name na may parehong line of product na corned beef!








Gets nyo??!!








Ayyy, ang "corny" mo ateh, ha ha ha ha ha..........

Tuesday, November 24, 2009

Maguindanao Massacre










Kasama ang Daily Bites sa kumokondena sa karumal dumal at karimarimarim na pagpatay sa halos 47 ( and counting ) katao sa Maguindanao nitong Lunes.








Kabilang sa mga napatay ang mga mahal sa buhay,mga kamag-anak at mga supporters ng tatakbong gobernador sa darating na 2010 election na si Ismael " Toto" Mangudadatu, at ilang media personalities na natagpuan na wala ring ulo ang ilan at ang mga kababaihan ay inireport pang pinagsamantalahan, ng mga puwersa at tauhan diumano ng kasalukuyang gobernador ng Maguindanao na si Andal Ampatuan.








Hindi ito dapat palagpasin ng kinauukulan at ng batas ng Pilipinas, maging ng buong mundo!








Dahil lamang sa paghahangad sa kapangyarihan ay isinakripisyo ang buhay ng 47 katao ( at bumibilang pa ) upang manatili lamang sa trono.








Walang katuturan at kuwenta ang pagsikil sa buhay ng nasabing mga TAO ng mga HINAYUPAK at DEMONYONG mga HAYUP na ito!








Ang mga pumatay ay hindi TAO, bagkus ay mga HAYUP na hindi marunong magpahalaga sa buhay ng kanilang kapwa kaya hindi na dapat pinalalawig pa ang hininga nila sa mundong ito!








Barbariko, kahindik hindik at walang puso ang klase ng pagpatay na ginawa nila sa modernong panahon na kung saan ay edukado na at pinalalaganap ang pag-ibig at pagmamahal sa kapwa.








Pilipinas at Mundo, ating kondenahin ang massacre na ito at huwag palampasin upang maparusahan kung sino man ang gumawa ng krimeng hindi kayang gawin ng isang " normal at matinong " tao, bagkus ng isang hayup na walang isip at pakundangan sa kanyang kapwa.








Tugisin at lupigin ang mga berdugo at halimaw ng Maguindanao!








Katarungan para sa 47 ( at mahigit pa ) na Pilipinong minasaker sa Maguindanao!

Monday, November 23, 2009

Efren Penaflorida-CNN Hero of the Year




Itinanghal bilang Hero Of The Year sa kaunaunahang pagkakataon ang isang Pilipino sa katauhan ni Efren Penaflorida.






Talaga nga namang taon ngayon ng mga Pilipino hane?






After Charice Pempengco, Apl. de. Ap, Arnel Pineda, Nicole Scherzinger, Manny Pacquiao at ngayon ay si Efren Penaflorida naman, tunay ngang de kalibre at pang world class ang galing ng mga Pinoy.






Sinong mag-aakala na sa lahat ng 9,000 nominado sa lahat ng halos 100 bansa; ay isang Noypi ang mananalo.






Si Efren naman kasi ay naipakita na hindi siya makasarili. Siya at ang kanyang Dynamic Teen Company ay tumutulong sa mga kabataan upang mailayo sila sa kasamaan at mga bisyo at matulungang makapag-aral ng libre ang mga bata - ay tunay namang nagsakripisyo upang maiangat ang kabuhayan ng mga kapus palad na kabataan.






Dahil diyan, saludo ang buong Pilipinas sa iyo Efren.






You would be another feather in the cap of every Filipinos.






Mabuhay ka, Efren Penaflorida!






CNN Hero Of The Year 2009.

Sunday, November 22, 2009

Rico J. Puno



Kilala si Rico J. Puno bilang isang maloko, pilyo, maharot, mapagbiro at preskong tao sa entablado.

Ngunit nakakaaliw namang malaman na ang ilan sa mga awiting punong puno ng emosyon,
Maka - Diyos, naglalaman ng pag-asa at pagmamahal, relihiyoso at inspirasyonal ay kinanta at inakda ng nasabing " naughty singer" of all time.

Tingnan ninyo:

"KAPALARAN"
....o bakit kaya
may ligaya't lumbay
sa pag-ibig
may bigo't tagumpay
`di malaman `di maisip
kung anong kapalaran
sa akin ay naghihintay

"ANG TAO'Y MARUPOK"

B7) E G#7(aug) F#m
O kay sarap na mabuhay sa daigdigan
B7 E
Lalo na kung kapiling ang mahal sa buhay
C#m G#m F#m
Nang madama ang ligaya sa gabi't araw
B7 E F#m-B7(sus)
Nalimot mo ang lahat ay mayro'ng hangganan

(B7) E G#7(aug) F#m B7
Ngunit nang 'yong naramdaman ang kalungkutan
F#m G#7 C#m Bm7-E7
Ay noon mo naalala ang Maykapal
A(M7) A#dim
Ang tao'y marupok
E(/B) C#7
Kay daling lumimot
F#m B7
Sa Diyos na ang lahat
E C7
Siya ang nagdulot.

"LUPA"

Nagmula sa lupa
Magbabalik na kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula

Bago mo linisin
Ang dungis ng 'yong kapwa
Hugasan ang 'yong putik sa mukha

Kung ano ang 'di mo gusto
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang 'yong inutang
Ay s'ya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang

Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

AT SIYEMPRE, ANG " MAY BUKAS PA "

Huwag damdamin ang kasawian
May bukas pa sa iyong buhay
Sisikat din ang iyong araw
Ang landas mo ay mag-iilaw

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas

May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

O debah naman, ang Macho Gwapito, senti din at may puso naman pala he he he.
Lahat naman eh, at minsan kung ano yung nakikita at napapanood mo sa labas ay hindi iyon ang nasa loob!
Tha's why he is called " The Total Performer"

Saturday, November 21, 2009

Kasibulan's Hand Mime








Nanalo sa first monthly finals ng programang Showtime ng ABS CBN ang grupong Kasibulan na mula sa Muntinlupa dahil sa kanilang ipinakitang talent sa pagpeperform ng "Hand Mime".








Ang Hand Mime ay isang uri ng mime performance kung saan ang ginagamit lamang na medium para maihatid ang isang mensahe o istorya ay ang mga kamay na usually ay nakasuot ng gloves na puti upang siya lamang makita against sa isang background na madilim o maitim.








Sa pamamagitan nito ay nako-convey ang mensaheng nais iparating sa mga movements ng nasabing "illuminated hands".








At masasabi ko na ito ay maayos na naihatid ng Kasibulan sa kanilang winning performance kanina sa Showtime.








Komplikado at mabusisi ang koordinasyon at unity na dapat mong ipakita sa ganitong klase ng peformance, kaya masasabi ko na talented at gifted ang nag-choreograph ng nasabing palabas.








To Kasibulan, you truly deserve the accolades and applause of the audience and of our Lord Jesus Christ!









Amen!








Friday, November 20, 2009

Manny , Jinkee at Krista love triangle






Sa wakas ay dumating sa Pilipinas si Manny na kasabay ang kanyang butihing maybahay na si Jinkee Pacquio.






At least napahinahon ang matagal ng tsismis na hiwalay na ang mag-asawa.






Ito ay dahil na rin sa pagkakasangkot ni Manny sa isang starlet na nagngangalang Krista Ranillo, anak ng dating matinee idol na si Mat Ranillo.






Pilit na umiinit at umuusok ang tsismis na lalo pang ginatungan ng nakuhanang pag-iyak ni Jinkee sa isang after fight party na ginanap para sa victory ng laban ni Manny kay Miguel Cotto.






Hanggang sa umugong nga ang tsismis na hindi sabay na darating ang mag-asawa sa airport ng bansa dahil matagal na silang naghiwalay!






At nang dumating nga ng sabay ang mag-asawa at sweet na sweet pa ay napatunayang mali ang intriga at ito ay promo lamang para sa kanilang bagong pelikula na Wapakman, na pagsasamahan ng dalawang nilalang.






Hay naku, all's well that ends well.






Manny, Jinkee at Krista love triangle , publicity gimmick nga lang ba ng pelikula?
O mas malalim pa ang dahilan?
Naghihintay ng sagot ang bayan.
Sa eskandalong kinasasangkutan ng Pambansang Pacman!

Thursday, November 19, 2009

Johnny Depp is the sexiest man alive













He is named as the sexiest man alive for the second time by the People Magazine for this year.




















The first time was in the year 2003.




















He is the third man who was voted "sexiest" for the second time, along with George Clooney and Brad Pitt.




















Super agree naman ako dito para kay Johnny Depp.




















Despite his age ( 46 years old already ) ay oozing with sex appeal pa rin ang papa natin! Very sexy and charming.




















Mula nuong youth days niya sa 21 Jump Street television series, hanggang sa first movie appearance niya sa A Nightmare On Elm Street, magpahanggang ngayon ay hindi kumukupas ang appeal ni Edward Scissorhands sa balana.




















Kaya naman karapat - dapat talaga siyang hirangin para sa titulong ito kahit pa dalawa na ang bagets ng Hollwood icon na ito.




















Kudos to Mr. Jack Sparrow, who is the


Don Juan de Marco of today's generation.

Wednesday, November 18, 2009

Ma Mon Luk










Ang sarap talaga ng mami at siopao ng Ma Mon Luk.








Bata pa lang ako nang aking matikman ang kakaibang sarap ng mami at siopao ng Ma Mon Luk sa kanilang branch nuon dati diyan sa Aurora Boulevard, Cubao.








At simula nuon ay tila ba hinahanap -hanap ko na ang lasa nito na hindi ko natatagpuan sa ibang mami at siopao!








Akala ko ay matagal nang nawala at nagsara ang Ma Mon Luk.








Pero buhay pa pala ang branch nito diyan sa Quiapo.








And after more than 30 years ay muli kong natikman ang sarap nito.








Wala pa ring tatalo sa mami at siopao ng Ma Mon Luk!








Iba na talaga ang orig!








Ma Mon Luk - ang nag-imbento ng mami.

Tuesday, November 17, 2009

Si Willie at ang Wowowee










Halatang napapagod na si Willie sa Wowowee.








Kitang kita ito sa rehistro niya sa TV. Hindi na siya masyadong ngumingiti, kulang na sa energy, madalas mainit ang ulo, at minsan ay nahuhuling nakasimangot. Halatang halata ito at madaling makita sa TV.








Ewan kung napapansin ito ng producer ng show at ng pamunuan ng Channel 2. O dinededma lang nila.








Natural lang naman ang nararamdaman ni Willie, dahil por Diyos por santo ba namang araw araw na ginawa ng Diyos, ay si Willie na lang ang buong laman ng show at kumikilos.








Minsan nakakaumay na.








Mula nang mag-umpisa ang Wowowee, ay yun at yun na lang palagi ang opening number nila; walang kawawaang sayawan at kantahan na nakakakulili na sa tenga.








Wala sigurong balak ang pamunuan ng show na magtagal ang show for another 30 years tulad ng Eat Bulaga! Eh kasi kung sa loob ng tatlumpung taon ay iyan ang makikita mo lagi sa show eh tiyak hindi ito magtatagal!








Kung ang Eat Bulaga ay nag-iinvest sa sangkatutak na mga host nila kahit halos wala nang ginagawa ang iba kundi dekorasyon, na pati ang Ryan Agoncillo ay kinontrata na rin, kabaligtaran naman ang Wowowee na si Willie lang ang pinagagalaw sa buong oras ng show.








At ang mga games , yun at yun na rin lang araw araw!








Nasaan na ang mga creative thinkers ng channel 2 at hindi i-overhaul ang Wowowee na yan.








No wonder, hindi ito makaungos sa rating dito sa Mega Manila. O satisfied na sila sa ratings nila sa mga probinsya? Pamprobinsya na lang ba ang Wowowee?








At wala na bang ibang magagaling na host ang channel 2 para at least pang- alis sawa man lang na tila ba dessert sa tanghalian ang pwedeng isama sa show para magkaruon naman ito ng kaunting variety at assortment?








Hayyy, nagtatanong lang po!!!!