TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 19, 2009

Wanted: Jason Ivler








Naglabas ng Arrest Order ang gobyerno para sa puganteng si Jason Ivler na siyang pinaniniwalaang nakapatay kay Renato Victor Ebarle Jr., anak ni Assistant Secretary Renato Ebarle dahil sa isang simpleng awayang trapiko.

Itinaas ang reward sa 1 Million pesos para sa agarang pagkakadakip kay Jason Ivler sa sinumang sa kanya ay makahuhuli. Ito ay upang mabigyan agad ng hustisya ang nasabing walang kwentang pamamaslang kay Ebarle Junior.

Ang krimeng ito ay likha ng Road Rage na nangyayari kapag nagkakagirian ang dalawang panig sa kalsada dulot ng isang hindi pagkakaunawaan hinggil sa nangyaring aksidente tulad ng banggaan o kahit sa simpleng gitgitan lang ng mga sasakyan sa daan.


Karaniwan na kasing maiinit ang ulo ng mga tsuper o driver ng mga sasakyan lalo na kapag sila ay naiipit sa trapiko o naaabala sa kanilang mga lakad o pupuntahan. Kaya kapag nagkaruon ng gitgitan sa kalsada ay agad tumataas ang temperatura ng bawat isa na lalo pang pinasisidhi kapag may bitbit na armas ang isa sa bawat driver na ito. Road Rage ang sumasabog.

Matatandaan na nuong 1991 ay isang celebrated Road Rage incident din ang nangyari sa pagitan nina Eldon Maguan at Rolito Go sa San Juan City. Ito ay nang walang kaanu-ano ay pinagbabaril na lamang ni Go ang driver ng nakabanggaan niyang sasakyan sa Wilson Street na si Eldon Maguan.

Katulad na lamang nung isang araw na sakay ako ng jeep at nakabanggaan nito ang isa ring jeep sa kahabaan ng Marcos Hiway sa Antipolo. Dahil sa labis na galit ng driver ng nakabanggaan naming jeep sa driver ng sinasakyan naming jeep ay kumuha ito ng bato at inihagis duon sa loob ng aming sinasakyang jeep. Mabuti na lang at walang nasaktang mga pasahero.








Buweno, para sa agarang ikadarakip ng kriminal na si Jason Ivler; masdan ang kanyang larawan, at kapag inyong nakita ay ireport agad sa pinakamalapit na tanggapan ng NBI. May naghihintay na isang milyong pisong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kanyang kinaroroonan.

Let us fight Road Rage. Let us help in fighting Senseless Street Killing.

No comments:

Post a Comment