TRAVELBOOK NOW!

Monday, December 14, 2009

Villar and the Three Kings

Iniintriga ang pag-eendorso ni Mang Dolphy kay Presidentiable Manny Villar.

Buhkettt?


Wala na bang karapatan yung mama na piliin kung sino ang sa tingin niya ay karapat dapat na maging pangulo ng ating bansa? Kailangan ba ay laging kaibigan, kumpare o kasamahan sa industriya ang mamanukin mo pagdating sa isyu ng pamumuno sa bansa?


Governance is very different from friendship. Dapat magkahiwalay yan. Dahil kapag pinagsama mo iyan sa larangan ng bansa, patay tayong lahat!


Dapat sa isyu ng pamumuno, walang pare, parekoy.


Siguro naisip lang ni Pidol na qualified naman si Mr. ST para maging susunod na pangulo ng bansa kesa sa kanyang matalik na kaibigang si Erap. Yun na yun , wala nang paliguy- ligoy pa.


Ngunit hindi ito dapat ikasama ng loob ng kampo ni Erap, dahil ginawa lang ni Dolphy ang sa tingin niya ay nararapat. And at the end of the day, ay bestfriends pa rin sila ni Erap.


Hindi naman kasi ibig sabihin na porke hindi ka inendorso ng kaibigan mo ay masama ka nang tao at pinagtataksilan niya na ang ang inyong pagkakaibigan.. Yun nga lang di siya bilib sa iyo he he he he.


Heto nga at sinasabing " Three Kings " ang nagtataas ng kamay ni Manny huh.


Una nga ay ang King of Comedy na si Dolphy.


Pangalawa ay ang King of Billiards na si Efren " Bata " Reyes.


At pangatlo ay ang King of Noontime Show na si Willie Revillame he he he he.


At ano ang magagawa natin tungkol dito? Wala. It's their choice kung sinong ieendorso nila regardless of relationship or affinity. At dapat sana ganyan ang ating pagboto. Walang bias. Walang kinikilingan.


To the Three Kings and to the future King......


Sana hindi nga kayo nagkamali sa inyong ginagawa.

No comments:

Post a Comment