TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 5, 2009

Top 10 Yahoo search 2009



Inilabas na ng Yahoo search engine Philippines ang kanilang Top Searches para sa taong ito at nanguna siyempre ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Sa listahang ito mahihinuha natin kung sinu sino ba ang hinahanap at patuloy na inaantabayanan ng ating mga kapwa Pilipino.


Tunay na hindi pa rin natin malilimutan ang kabayanihan, kagitingan at kagalingang ipinamana sa atin ng mga yumaong sina Madam Cory Aquino at Francis M.

Mahilig pa rin talaga sa sports ang mga Pinoy, katunayan ang pagpasok ni Pacman sa numero unong listahan para sa boksing; at ang "pambansang laro" ng Pilipinas na basketbol sa pagpasok ng UAAP at PBA.
At siyempre hindi natin malilimutan sa taong ito ang isang trahedya na gumimbal at gumising sa ating mga natutulog na diwa: ang Bagyong Ondoy.
Mahilig pa rin tayo sa musika; partikular ng mga awitin ng Beatles counterpart ng Pilipinas na Eraserheads.

At siyempre sa showbiz: sina Mar at Korina , na sa taong ito ay nagtaling-puso; at ang karakter na ina ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia.

Nakakagulat huh, dahil marami ang naaaliw sa mother of all mothers na ito buhat sa Gensan.

Good karma naman kasi dahil alam naman natin kung paano niya iginapang ang kanyang pamilya para mabuhay ng marangal despite ng kanilang kahirapan.

And surprisingly, ay ang pagkakasali ng "long, lost girlfriend" ni Presidentiable Noynoy Aquino na si Shalani Soledad, zino ziya?
Aba, malay. Kahit nga ako ay nagulat at nagulumihanan kung sino ito?
Kaya biglang may I search ako sa Yahoo at Google kung zinetch itech: ito pala ang longtime girlfriend ni Noynoy na kumbakit naman kasi itinatago sa publiko eh.

Hmmmm, bakit biglang inilantad? Para pasinungalingan ang naglalabasang mga haka haka na
jokla si Noynoy? Dahil despite his age ay walang karelasyong babae?
Hmmm, pipit, pipit lumabas ka sa iyong pagkakaipit, ha ha ha ha ha.

O Zsa Zsa, may girlfriend na kung may girlfriend.

Ahhhmm, charot!

No comments:

Post a Comment