TRAVELBOOK NOW!

Thursday, December 17, 2009

Simbang Gabi



Nagsimula na kagabi ang tradisyunal na Simbang Gabi o Misa De Gallo na ang literal na ibig sabihin ay "misa para sa tandang" dahil ito ay ginaganap tuwing gabi o madaling araw kung saan kadalasang maririnig ang tilaok ng mga tandang.

Kasabihan ng mga matatanda na kapag nakumpleto mo daw ang 9 day novena nito hanggang sa bisperas ng Pasko ay matutupad ang iyong mga kahilingan.

Kaya naman kapag dumarating ang Misa De Gallo ay marami ang nagaganyak na gawin itong panata nang sa ganun ay makamtan nila ang katuparan ng kanilang mga ninanais.

Isa ako sa mga nakipag-unahan sa pagsisimba kagabi at halos hindi mahulugang karayom ang simbahan sa dami ng tao. Napansin ko na karaniwang nagsisimba ay mga kabataan at gangster talaga o grupo grupo sila kung sumugod sa simbahan. Ngunit mapapansin mo na halos hindi naman sila nakikinig sa sermon ng pari dahil lahat sila ay abala sa kanilang sariling mga programa at agenda para sa kanilang mga grupo o tropa. Karamihan pa sa kanila ay nasa labas na lamang ng simbahan at duon nag-uumpukan para sa kanilang mistulang " miting de avance".

Ang naiwan sa loob na mga matatanda ay nagsusumiksik sa kakapalan ng tao ang pilit na nilalabanan ang ginaw at antok upang di makatulog sa sermon ni Father.
Ang mg bata naman ay mistulang nakahanap ng kanilang sariling playground at abala sa paglalaro sa kanilang mga kapwa bata.

Nanunuot sa kasu-kasuan at buto ang lamig ng simoy ng hangin. Kung may rayuma ka, siguradong susumpungin ka nito dahil sa ginaw.

Ngunit kung gusto mo namang magpainit ay nandiyan ang tinda ni Manang na mainit na salabat o tsaa at presto mawawala ang nararamdaman mong pangingiki.

Pwede ka ring lumantak ng mainit na bibingka o puto bumbong ni Ate saka mo sabayan ng kape o tsokolate na masigabong inilalako sa paligid ng kapilya. Buhay na buhay ang kalakalan kapag ganitong panahon. Tila ba fiesta ang nagaganap sa dami ng komersyalismo at tanawin na iyong mamamasid na nangyayari sa iyong paligid.

Hindi ko na halos marinig ang sermon ni Father tungkol sa darating na halalan. Na mging matalino daw tayo sa mga kandidatong ating iboboto nang sa gayun ay makamtan na ang kaunlaran ng Pilipinas. A timely message indeed he he he.

Bukas ano naman kaya ang mensahe ni Father? Sana tungkol sa family planning he he he.

Sana makumpleto ko ang siyam na gabing simbang ito nang sa gayun ay makamtan ko ang aking munting hiling. Walang iba kundi World Peace ( charot , eching he he he, parang sagot ng isang Miss Gay contestant )

Iyan ay kung hindi ako aantukin dahil sa ininom kong Sleepasil. Ang hirap naman na kasing matulog pagkatapos! Feels like Insomniac ahaha.

Halika na, Simbang Gabi na tayo!

No comments:

Post a Comment