TRAVELBOOK NOW!

Friday, December 11, 2009

Rosario po mam...

Mag joke joke naman muna tayo para masaya he he he he......





Di ko napigilang bumunghalit ng tawa nang marinig ko ito mula sa aking pinsan.....





Isang araw pinatawag ng madre superyora ang isa nilang estudyante:





Madre Superyora: " Tomas , bakit sa tuwing magpapasa ka ng test papers mo ay hindi mo nilalagay kung ano ang apelyido mo? Laging pangalan mo lang ang nakasulat. Ano ba talaga ang apelyido mo? Nakakahiya ba ang apelyido mo at hindi mo maisulat?"





Estudyante: Hindi naman po mam. Buweno po, pahuhulaan ko po sa inyo kung ano ang apelyido ko."





Madre Superyora: " O sya sige iho."





Estudyante: " Ang unang clue po ay ito. Ang aking apelyido ay mahaba, malaki at bilog."





Madre Superyora: " Ah , hindi ko mahulaan eh. Sige pa magbigay ka pa ng clue."





Estudyante: " Ito po minsan ay nakatago. Kapag ito po ay inyong inilalabas, ito po ay inyong hinihimas at hinahaplos."





Madre Superyora: "Hmmm, may naiisip na akong apelyido mo. Pero sige pa magbigay ka pa ng isang clue."





Estudyante: " Sige po. Ito ay madalas ninyong hawak sa inyong dalawang kamay."





Madre Superyora: " Aha, alam ko na ang apelyido mo. Kaya pala nahihiya kang isulat eh.


BAYAG ang apelyido mo di ba?"






Estudyante: " Ay hindi po mam,mali po kayo. Rosario po ang apelyido ko."






Madre Superyora: " Ngekkkk!"





Joke Joke Joke!!!!





Merry Christmas po!!!!

No comments:

Post a Comment