TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, December 1, 2009

Papunta ka pa lang, pabalik na ako.



Ito ang campaign slogan ng isang campamercial ni Erap Estrada.




Oo nga naman, ang ibang presidentiable ay "gagawa" pa lang, si Erap tapos nang "gumawa".




Pabalik na siya dahil marami na siyang "nagawa".




Ang isa pang slogan sa nasabing campamercial ay ang pariralang " kailangan ay may karanasan".




May positive at negative connotation ang pariralang ito.




Ang positive ay dahil sa marami mong karanasan ay gamay mo na at kabisado kung paano patatakbuhin ang isang makinarya. Hindi ka na nangangapa at hindi mo na kailangang turuan o i-train pa dahil alam mo na ang gagawin mo.




Sa kabilang banda ay meron din itong negative implications.




Dahil naman sa dami ng karanasan at nalalaman mo kung paano patatakbuhin ang isang sistema, kadalasan ay alam mo na rin kung paano gagawa ng anomalya at kung paano ito lulusutan.




Alam mo na ang pasikut-sikot nito kaya hindi ka na mawiwindang at malilito.




Sa mga pagawaan at pabrika nga ang kadalasang biro ay ganito: kapag baguhan ang kukunin mo, kailangan mo pang sanayin at hubugin bago mo mapakinabangan sa iyong pagawaan ; samantalang ang mga datihan na at eksperyensado ay hindi mo na kailangang pandayin pa, dahil ang kanilang sungay ay matitigas na at mahahaba pa na handang sumuwag sa iyo.




Ikaw, saan ka?




Sa baguhan o sa datihan?




Sa bagito o sa bihasa?




Pili na sa moro moro ng Halalan 2010.

No comments:

Post a Comment