TRAVELBOOK NOW!

Sunday, December 27, 2009

Ondoy Revisited



Nais ko lang i-share ang message ng aming pastor para sa aming worship service ngayong huling Linggo para sa taong 2009.

The message is about preparation and hope.

Typhoon Ondoy had been the most devastating of all the typhoons who visited the country.

And it happened in this year in the month of September.

Hindi makakalimutan ito ng marami. Halos mahigit apat na raang buhay ang nalagas dahil sa trahedyang ito.

At libu libong imprastraktura ang nasira o nawasak dahil dito. Mayaman at mahirap ay walang nagawa sa bagsik ni Ondoy at ng Kalikasan. Isa ito sa laging maaalala kapag mababanggit ang taong 2009.

Sabi ni pastor, nuon pa man ay binabaha na ang kanilang lugar sa Cainta. Pero hanggang dibdib lang daw ang pinakamataas na nangyari nuong 1999. But this year, it happened na lagpas dalawang tao ang lalim ng baha sa kanilang pook.

Naalala niya daw nung panahon ni Noah. Abala rin ang mga tao sa kani-kanyang gawain. Kumakain, nagtatrabaho, nagsasaya, kumakanta at nagsasayawan. Hindi nila alam na isang malaking unos pala ang paparating. At huli na nang matanto nila na lumalalim ang tubig at sila ay malulunod na pala. Katulad din ngayon.

Marami ang hindi nakapaghanda. Marami ang hindi naghanda. Kaya marami din ang nasayang na buhay.

Sana sa susunod mas maging handa tayo. Hindi lamang sa sakuna. Kundi maging sa pagdating ng Panginoon at sa Kanyang paghuhukom.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Laging may tulong na darating sa oras ng pangangailangan. At kung tayo ay lubos na nananalig at nagtitiwala sa Kanya, hindi Niya tayo pababayaan, sa gitna man ng unos, sa pagitan man ng mga pagsubok , sa laot man ng paghihinagpis.

Nawa, ang aral na hatid ng Bagyong Ondoy ay hindi mawaglit sa ating isipan, bagkus ay magsilbing paalala, na ang pag-aalaga sa Kalikasan ay ating isagawa na dili iba't tayo ring mga tao ang sumisira sa obra maestrang ito ng Maykapal

At tayo ay walang magagawa kung hindi tayo papatnubayan ng ating Panginoon.

Amen!

No comments:

Post a Comment