TRAVELBOOK NOW!

Friday, December 4, 2009

Nuisance Candidates



Hala at umarangkada na ang sirkus ng 2010 Elections at naglabasan na nga sa kani-kanilang mga lungga ang ibat-ibang hopefuls at wannabes na umaasang makakasungkit ng mahiwagang upuan sa gobyerno para sa susunod na taon.




Pinakamakulay ( lagi naman ) ay ang mga nag-file ng kandidatura para sa pagka-presidente na siyang titimon sa bansa sa loob ng anim na taon.




Ewan ko ba kung anong meron ang posisyon na iyan at tila ba inaasam ng napakarami; kulang na lang pati ang alaga nilang manok ay patakbuhin sa halalan kung pwede.




Bakit naman kasi ang Comelec ay wala man lang guidelines o requirements para sa mga tatakbo. Basta Pilipino ka at malakas pa ay pwede ka nang mag-file ng kandidatura mo para sa eleksyon.




Kaya naman tuwing date of filing of candidacy ay nagmimistulang circus ang eksena dahil sa kung sinu sino at anu- ano na lang ang nakikita mong nag-fa file ng kanilang kandidatura.




Nitong December 01 ay last day of filing of candidacy at ayon sa datos ng Comelec ay umabot sa 99 ang nagpatala para sa pwesto ng pagka-presidente ( pinakamarami sa tala ng Comelec ) at tiyak mahigit sa kalahati nito ay mga itinuturing na nuisance candidates o pampagulo lamang.




Ikanga sa laro ng mga bata, saling pusa o saling ketket he he he.




Eh bakit pa sila pinapag - file kung ididisqualify din lang naman later on; eh di ba maliwanag na pag-aaksaya iyan ng tinta at papel? Hay naku ang gobyerno nga naman natin, Asyong Aksaya!




Kita mo ang mga naghain ng candidacy: merong isa na nagtilaok na parang tandang, yung isa naman presidente daw siya ng America, yung isa sugo daw siya ng Diyos at malilipol daw ang Pilipinas kapag di siya nanalo, habang ang isa naman ay naka-costume pa ng Santa Claus ng mag-file ng kanyang kandidatura!




Hindi ko alam kung ang mga Pinoy nga ba ay naaabnoy na o tunay nga ba namang nalilipasan na ng gutom, wehehehe!




O sadya lang tayong mga KSP o kulang sa pansin!




Di bale next election year, ako naman ang tatakbo para sa pagka-presidente.




Presidente ng Kapisanan ng mga Bading he he he he.




Vote wisely po!

No comments:

Post a Comment