TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 12, 2009

Muelmar Magallanes et al.






Isa na namang bayaning Pilipino ang ikinararangal ng mundo sa pamamagitan ng Time Magazine's Top 10 Heroes of 2009.






Ito'y walang iba kundi si Muelmar " Toto " Magallanes - isang 18 year old boy mula sa Bagong Silangan , Quezon City na nakapagligtas ng mahigit sa 30 katao na nalulunod nung kasagsagan ng Bagyong Ondoy na rumagasa sa buong Metro Manila nitong buwan ng Setyembre.







Ibinuwis ni Muelmar ang sariling buhay alang alang sa kaligtasan ng kanyang mga kababayan at kapwa na nalulunod sa baha na dulot ni Ondoy.






Hindi lang si Muelmar ang dapat dakilain. Marami silang mga unsung heroes of Typhoon Ondoy.






Katulad na lamang ng isang lalaki na nagligtas ng buhay ng kanyang mga kapitbahay, subalit siya ay kinapitan ng sakit na Leptospirosis, na naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan.






At maraming iba pa na hindi ininda ang sariling kaligtasan makapagsagip lamang ng buhay ng kanyang kapwa kahit ang maging kapalit ay ang mismong buhay din nila.




Tunay na isang malaking trahedya ang dinala ng Bagyong Ondoy sa Pilipinas. Subalit dahil sa kabayanihan na ipinamalas ng mga kababayan nating ito, hindi naging ganap ang pananalasa at paninira na ginawa ni Ondoy.

Bagamat hindi na nila madarama ang tamis ng papuri na iniaalay sa kanila ng balana, alam kong saan man sila naruon ay nakikita nila kung gaano natin sila ipinagbubunyi bilang mga bayani.






Tunay kayong mga bayani sa aming puso, Muelmar Magallanes et al.






Ang inyong kabayanihang ginawa para sa amin ay lalagi sa aming puso hanggang kami man ay bawian ng buhay na amin lamang hiniram.






Amen.

No comments:

Post a Comment