TRAVELBOOK NOW!

Monday, December 7, 2009

MeLason




Kwela talaga at nakakaaliw ang namumuong loveteam sa loob ng Bahay ni Kuya between Melissa and Jason.

Nakakalokah ang mga varied facial reactions ng Inday Kengkay ng Gensan na si Melai.
Naaalala ko sa kanya si Aruray at Chichay nuong dekada 60 at 70. Kamukha niya yata si Angge kaya puwede na siyang magpa-manage dito he he he. Lalo na ang kanilang alagang si Dengue na mukhang natipus naman yata at natetano.

Ang naive naman na si Jason ay nakakalerky din ang mga banat sa kanyang lovey dovey.

Tutoo nga kaya ang kanilang nararamdaman para sa isat isa?

O niloloko lamang tayo ng mga ito at mga taktika lamang pala nila ito para eventually ay makuha nila ang simpatiya ng mga viewers at sila ang tanghaling manalo in the end?

Sabagay, in a world na wala kang ibang nakikita at nakakausap kundi ang ilang mga piling tao, ay madali kang mahulog sa kapwa mo; pero madaya ang feeling na ito.

Just like in the case of Bruce and Wendy na sa loob ng bahay ay kumakanta ng " coz I die a little each time, when she cries"; nung lumabas ng bahay ay nagpakasal, and then after a couple of months lang ay nag-separate singing "coz I'll die a little each time, when you make me cry" he he he he.

Kaya, MeLason, timbangin ang feelings ha, hind yung puro lang pa-cute at acting sa TV okay?

Coz in the end ,kapag nakita ng mga viewers na sincere ang feelings nyo para sa isat isa, suportahan kayu namen okay?

Wag nyo lang kaming lalasunin huh!

1 comment:

  1. agree.....pati inang ko fan na sila ng melason....

    ReplyDelete