TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, December 9, 2009

Lotto o Luto?



Araw araw halos ay paboritong tumaya ng nanay ko sa Lotto.




At pagdating ng alas nuwebe ng gabi ay hindi niya makakalimutang ilipat sa NBN channel 4 ang TV para panuorin ang live draw nito.




Pero sa tuwi-tuwina ay laging bigo ang aking ina na mapanalunan ang milyun-milyong jackpot na sa ngayon ay umaabot na sa halos pitong milyon at lumalaki pa.




Ewan ko ba kay Mother at walang kasawa-sawang tumaya. Eh mas malaki pa yata ang perang naitataya niya kesa salaping napanalunan niya.




Kung di ako nagkakamali ay dalawang beses nang nanalo si Mama dito.




Yung una ay nung balik taya. At yung pangalawa ay nung makakubra siya ng 3,000.00 kung saan tri-neat niya kami ng Jollibee Chickenjoy.




Pagkatapos nun wala na.




Ako, ilang beses din akong nag-bakasakali. At nung di naman ako nakakakubra, itinigil ko na.




May iniaannounce silang nananalo ng halos mahigit sa 200 milyon daw. Pero dahil sa anonymity clause ng mga winners ay never nating nalalaman kung meron nga bang nakakakubra ng ganun kalalaking mga halaga. Instant milyonaryo yung isang taga Cebu daw. At dahil delikado daw ang buhay nung winner , never nating malalaman kung kanino tayo hihingi ng balato. May tax ba ang panalo sa Lotto?




Ang karaniwang combinations na tinatayaan ni Mother ay ang aming mga birthdays na walang kaswerte-swerteng dala.




Eh kung yan ba namang kasing milyun milyon na jackpot prize ay idivide na lang sa multiple winners eh di sana mas maraming may chance na manalo. Kesa yung isa lang ang papalaring anak ng Diyos na mag-uuwi ng jackpot. One in a million chance of a lifetime ang magwagi sa Lotto na yan huh!




Hay naku Mother , tumigil ka na sa pagtaya diyan noh at sumali na lang tayo sa Wowowee Cash Moto o kaya sa Talentadong Pinoy at mas may chance pang manalo he he he he.




No comments:

Post a Comment