TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, December 22, 2009

Krista Ranillo in May Bukas Pa



In fairness ay napaiyak ako ni Krista Ranillo as Mia sa teleseryeng May Bukas Pa sa kanyang confrontation scene with fellow actress Susan Africa kagabi huh.

Madamdamin at puno ng emosyon ang pagganap ni Krista sa nasabing eksena kung saan ay kinumpronta niya ang kanyang ina tungkol sa hindi nito pagmamahal sa kanya bilang anak na si Mia.



Si Mia ay isang dalaga na nagtatrabaho at pilit na ginagampanan ang kanyang responsibilidad at tungkulin sa kanyang pamilya( ina at dalawang kapatid ) bilang kanilang breadwinner.

Sa araw ay isa siyang Prinsesa sa isang karnabal ( Enchanted Kingdom ) , habang sa gabi naman ay kumakayod bilang isang taxi driver.

Pangarap niya na mapagtapos niya ang kanyang dalawang kapatid sa pag-aaral na mismong siya ay hindi niya nagawa. Subalit hindi ito natupad ng kanyang mga kapatid matapos na malulong sa barkada ang kapatid niyang lalake, at mabuntis naman ang kanyang kapatid na babae.

Samantala ay laging pinupuntahan ng kanyang ina si Mia sa pinagtatrabahuhan nito upang humingi ng pera, na halos hindi man lamang makumusta kung ano na ang kalagayan ng kanyang anak. Ang masaklap nito, ang bawat pera palang kanyang pinaghihirapan ay nauuwi lamang sa wala dahil sa paglustay ng mga ito sa mga bagay na walang kabuluhan.

At sa climax scene ay kinumpronta ni Mia ang kanyang ina at sabihing hindi siya mahal nito kundi ang kanya lamang pera. Na wala itong ginustong makuha sa kanya kundi ang kanya lamang pera. Na hindi siya naaalala nito at hindi inuunawa bilang kanyang anak. With matching sampalan blues, swak na swak si Krista sa nasabing role, bilang isang anak na hindi nabibigyang importansya ng kanyang mga kapamilya.




Parang may malalim na pinaghugutan ang aktres sa nasabing eksena huh. Hindi kaya ang latest scandal na kinasangkutan niya with Manny Pacquiao? Napicture niya siguro na si Jinkee Pacquiao ang sumampal sa kaniya imbes na si Susan Africa he he he.

In the end ay nagkaayos din ang magkakapamilya sa tulong ni Bro at ni Santino matapos mag-agaw buhay nang maaksidente ito at maholdap sa kanyang minamanehong taxi. Alls well that ends well.
Kudos to Krista as Mia in May Bukas Pa.

Sana sa tutoong buhay ay ganito rin.

Alls well that ends well.

No comments:

Post a Comment