TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, December 30, 2009

Jose Rizal Day










Today is the 113th year of celebrating the death anniversary of our National Hero , Dr. Jose Rizal who was shot to death at Bagumbayan ( Luneta ) Manila on December 30, 1896.





At dahil diyan ay siya ang napili ng ating sambayanan upang gawing Pambansang Bayani dahil sa kanyang pag-aalay ng buhay para sa ating kalayaan.

Sa panahon ngayon ay marami nang lumitaw na mga bagong bayani. At marami ang nagpapanukala na napapanahong palitan na si Pepe bilang ating National Hero.
Una na ngang ikinukonsidera ay ang kanyang counterpart mula sa mga masa( dahil si Rizal daw ay mula sa mga alta sosyedad ) na si Andres Bonifacio na katulad niya aynag-alay din ng buhay para sa bayan.

May nagsasabi naman na dapat ay gawing si Ninoy Aquino na lang ang bagong pambansang bayani natin dahil sa inalay din nito ang sariling buhay para sa ating kalayaan mula sa mapanupil na diktadurya.

At ang asawa naman nito na si Cory Aquino ay pwede rin daw maging bayani dahil naman sa pagbabalik nito sa ating demokrasya.

Mayruon namang nagsa-suggest na si Manny Pacquiao na lang daw dahil sa pagbibigay nito ng karangalan sa ating bansa. At pwede rin daw si Efren Penaflorida dahil mismong CNN ay nagturing sa kanya bilang isang bayani. At meron ding nagsasabi na si Flor Contemplacion na lang daw bilang simbolo ng ating mga bagong bayani na mga OFW's na nagsasakripisyo para sa ating bansa at siyang patuloy nagsasalba sa ating bansa tungo sa isang krisis pampinansyal.


At marami pang mga suggestions ang lumalabas. Huwag lang sila Bayani Agbayani at Bayani Casimiro huh! O Bayani Fernando he he he.

Anu't anuman, ang pinaka- katangian ng isang bayani para siya matanghal bilang ating pambansang bayani ay dapat siya ay walang pag-iimbot at buong puso at sakdal na nag-aalay ng kanyang buhay para sa ikagaganda, ikagagaling, ikauunlad at ikabubuti ng lahat ng Pilipino. Dapat ay wala siyang pakialam sa kanyang sarili, bagkus ang tanging nasa isipan ay kung paano mapabubuti at maiaangat ang kabuhayan ng kanyang kapwa mga Pilipino.

That is the essence of a true Filipino hero!

Siguro nga si Rizal pa lang ang nakagawa nito kaya siya ang nahirang bilang ating national hero. Pero tandaan natin na tayong lahat ay bayani kung lagi nating inuuna ang kapakanan ng ating kapwa bago ang ating mga sarili!

Mga makabagong Jose Rizal, kailangan ka ng Pilipinas ngayon!

No comments:

Post a Comment