TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, December 15, 2009

Panic Attack

Isang Uruguayan director ang pinagpipistahan sa Youtube dahil sa 5 minute video upload niya entitled Panic Attack.

Halos nakaka isang milyon na ang view stats nito.

Isa itong teaser video tungkol sa isang tema ng pelilula na gustong iprodyus ng nasabing direktor. Tungkol sa mga robot na umatake sa isang bayan sa Uruguay.

Sumikat ang video dahil akala mo ay nanununod ka na ng isang true Hollywood disaster movie na kuntodo hanep sa special effects. Hitsurang Roland Emmerich o James Cameron trailer ang nasabing pelikula na ginastusan lamang ng 300 dollars ni direk Fede Alvarez.This goes to say na pwede palang makagawa ng isang pelikulang hi-tech sa maliit na puhunan lamang. Paging Philippine movie producers;gandahan nyo naman special effects nyo. Hindi yung puro green at bluescreen chroma na lang ginagamit he he he. CGI na ang uso ngayon noh!

Kaya nga hindi kataka-takang mapansin ito ng mga Hollwood producers at marami ang nagkainteres. At ngayon ay gagawin na itong isang full length Hollwood movie with a whooping 300 million dollar budget!



San ka pa! All because of Youtube.

Tunay nga na dahil sa Youtube na ito ay marami ang talent na nadidiscover.
Kasama na sila Arnel Pineda, Charice Pempengco, Moymoy Palaboy, Susan Boyle, William Hung at marami pang iba sa buong mundo.

O ano pang hinihintay ninyo. Abangan na sa inyong paboritong sinehan ang once-a-Youtube-sensation-that-made-it-big suspense movie na Panic Attack.

No comments:

Post a Comment