TRAVELBOOK NOW!

Thursday, December 31, 2009

Goodbye 2009 , Hello 2010

Ilang oras na lang at magtatapos na ang taong 2009, at papasok ang bagong taong 2010.
Katulad din ng iba ay mayruon ding mga listahan ang Daily BITES tungkol sa lilipas na taong 2009. Kung sino ang mga nanalo at natalo sa nakalipas na taon at kung anu- anong mga balita ang bumulaga sa atin para sa taong ito. Heto ang aking listahan:
HEADLINE OF THE YEAR
BAGYONG ONDOY AT PEPENG

para sa akin ay ito ang balitang umantig at kumurot sa puso ng bawat Pilipino at sa buong mundo dahil sa bagsik at hilakbot na idinulot ng pinakamapaminsalang bagyo na dumaan sa ating bansa.

WORLD HEADLINE OF THE YEAR


DEATH OF MICHAEL JACKSON

ginimbal ang buong mundo ng balitang biglaang pagkamatay ng King of Pop na si Michael Jackson.
Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa kung ano ang ikinamatay ng nasabing alamat.

SCANDAL OF THE YEAR


HAYDEN KHO AND KATRINA HALILI VIDEO SCANDAL

ginulantang naman ng mga sexually explicit videos nina Hayden Kho at Katrina Halili ang buong Pilipinas na pinagpiyestahan maging sa loob ng Senado.

WINNER OF THE YEAR


MANNY PACQUIAO

the real pride of Filipinos. lalong kumislap ang bituin ni Pacman matapos manalo sa kanilang laban ni Miguel Cotto nitong Nobyembre 2009. isang bagong bayani ang turing sa kanya ng buong Pilipino.


LOSER OF THE YEAR


THE AMPATUAN CLAN

nanghilakbot ang buong mundo dahil sa karima-rimarim na pagpatay na diumano'y isinagawa ng mga Ampatuan sa kanilang mga kalabang pulitikal sa Maguindanao. dahil dito ay halos mahigit sa 30 mga inosenteng mamamahayag ang nadamay na mamatay na siyang pinakamarami sa loob lamang ng isang araw.

GOODBYE 2009

HELLO 2010

HAPPY NEW YEAR!!!

No comments:

Post a Comment