TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, December 2, 2009

the " glowing " department

Bata pa lang ako ay madalas ko nang naririnig kay Mama na siya daw ay nagtatrabaho sa isang


" glowing " department ng kanilang kumpanya.




Ganundin ang dinig ko sa aking mga tita at tito na kasamahan ni Mama na nagtatrabaho sa nasabing " glowing " department.




Kaya naman tumatak sa aking isip ang isang lugar na " makislap, mailaw, maliwanag at punong puno ng mga pailaw at estrelya na kumukutitap at kumikinang sa taglay nitong kaliwanagan na nakasisilaw."




Hanggang sa kamakailan lamang ay napilitang mag-retire si Mama dahil sa kaniyang katandaan.




Sa kanilang retirement speech party ay duon ko unang nasilayan ang kanilang ipinagmamalaking


" glowing department ."




Ngunit taliwas sa aking inaasahan na nakapagkit sa aking memorya; isang maalikabok, puno ng agiw, malagkit at maraming pandikit at kola at alkitran ang aking namasdan mula sa nasabing departamento.




Saka ko lang napagtanto na ang nasabing " glowing department " pala ay isang " glueing department ", kung saan ang kanilang mga naimprentang papel ay idinidikit sa kani-kanilang mga lalagyan, ha ha ha ha.




Happy Retirement Day , my dearest Momsie!

No comments:

Post a Comment