TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 26, 2009

The Dishwasher


Kung meron mang household chore na gustong gusto kong gawin, ito'y walang iba kundi ang paghuhugas ng mga kinainan o dishwashing.





Si Mama ang nagturo sa akin kung paano maghugas ng mga plato at baso na aming kinainan. Kaya naman sa murang edad ay natutunan ko na ang tamang paghuhugas ng mga ito. At talaga namang naaasahan ako ni mother pagdating sa gawaing bahay na ito.

Kaya nitong nagdaang Pasko ay sangkaterba na naman ang aking hinarap sa lababo upang hugasan at linisan.

Nakapagtrabaho na din ako dati bilang dishwasher sa Goodah restaurant diyan sa Greenhills , San Juan.
At masasabi kong I've enjoyed every minute of my brief stay in that restaurant doing the dishes.

Hindi pa uso nuon ang mga dishwashing products. Baretang sabon ang aming ginagamit nuon na panglinis.

Subalit ngayon ay marami na ang mga dishwashing products na lumabas sa merkado at nag-aadvertise na epektibo daw silang panghugas sa mga nanlilimahid at nanggigitatang mga plato at baso at mabisang pantanggal daw ng sebo.

Walang problema kung ang huhugasan mo ay mga porselana at babasaging mga china o utensils. Madaling matanggal ang mga sebo dito dahil hindi sila kumakapit sa glass. Ang nagkakaproblema ay sa mga plastic and melawares .
Dito pahirapan talaga, dahil makakailang pahid ka muna ng dishwashing products bago maalis ang sebo, taliwas sa kanilang patalastas na isang pahid lang ay tanggal agad ang dulas. Mabuti pa nga minsan ang bareta dahil mas nakakaalis pa ng sebo.

Nasubukan ko na rin ang mga leading brands ngayon sa merkado na dishwashing products in paste, liquid or bar form, but sad to say, lahat sila ay hindi epektibong pantanggal ng sebo; at least sa mga plastic wares, tulad ng marami sa aming paminggalan.

Magmula sa Dazz, Axion, Wings, Mr.Clean at maging Joy ay hind na-solve ang problema ko pagdating sa sebo.

Still our inventors would want to research more on dishwashing effectiveness against oil and grease.

O sebo, layuan mo ako!

No comments:

Post a Comment