TRAVELBOOK NOW!

Monday, December 21, 2009

Dalawang Bituing Lumipas










Dalawang kilalang personalidad sa magkabilang panig ng mundo ang namaalam nitong Linggong ito.

Two stars in their own right, bid farewell to us all.

Una ay ang bituin sa buhay ng isang Megastar na si Yaya Luring ( Loreta Benitez ) ng Pilipinas ay sumakabilang buhay sa edad na 83.

Si Yaya Luring na marahil ang pinakasikat na yaya sa buong mundo.
Sa loob ng halos 40 taon, saksi ang Philippine showbusiness kung paano inalagaan at pinalaki ng buong pagmamahal ng isang hindi kilalang yaya ang isang artista magmula nang siya ay bata pa lamang hanggang sa paglaki at pagsikat ng isang nagngangalang Sharon Cuneta sa industriya ng pelikula. Marahil ay hindi naman kalabisang sabihin na sa likod ng tagumpay ng isang Megastar ay ang isang natatanging bituin sa katauhan ni Yaya Luring.

It goes to show na kahit hindi mo kadugo o kapamilya ang isang tao, kapag pinakitaan mo ito ng buong pusong pagmamahal, ay mamahalin ka din at susuportahan nito nang higit pa sa lahat ng ibinibigay mo.

Sa kabilang ibayo naman, sa bansang Amerika ay ginulat din tayo ng anunsyo ng biglaang pagkamatay ng isa pang bituin , this time ng Hollywood na si Brittany Murphy sa edad na 32.

Batang bata pa at punong puno ng pag-asa, maagang inagaw ni Kamatayan sa ating kalagitnaan ang isang nilalang na una nating minahal sa pelikulang Clueless. Nakakagulat at nakakagimbal ang balita lalo pa't hindi naman natin nabalitaan na may sakit ang nasabing aktres. Patunay lamang na, no one is invincible when it comes to death!

Pinakanagustuhan ko siya bilang si Sarah sa pelikulang Just Married katambal si Ashton Kutcher, at siyempre sa Clueless bilang si Tai.

Dalawang bituin. Ang isa , iginupo ng kanyang katandaan. Habang ang isa naman ay dinagit sa kanyang kabataan.

Ang isa ay nasa likod ng isang Megastar.

Samantalang ang isa ay ang Star ng pelikula ng ating buhay.

Farewell, our two stars. May your light continue to shine and twinkle upon us even when you both now are in the distant place from afar.

No comments:

Post a Comment