TRAVELBOOK NOW!

Thursday, December 10, 2009

The Copenhagen Climate Change Conference 2009


Idinadaos ngayon sa Copenhagen, Denmark ang isang conference tungkol sa kung papaano maisasalba ang ating mundo mula sa isang malawakang disaster kaugnay ng Climate Change na nangyayari ngayon epekto ng Global Warming na dulot ng sobrang polusyon sa buong mundo.

Tunay ngang nararamdaman na natin sa dekadang ito ang epekto ng patuloy na pag-init ng mundo dahil sa natatrap na "heat"(Greenhouse Effect) dahil sa resulta ng pagharang ng mga "Greenhouse Gases" sa ating atmospheric layer dahilan upang hindi makalabas ng ganap ang mga pumapasok na init sa ating mundo.


Resulta, mas mainit ngayon ang temperatura sa ating mundo kaysa nuong unang mga panahon.



Ang magiging epekto nito ay ang pagkatunaw ng malalaking bahagi ng yelo sa North at South Pole, na magiging dahilan naman upang tumaas ang sea level sa buong mundo at magiging daan upang lumubog ang maraming isla at bansa tulad ng Mauritius, Palau, Kiribati at marami pang iba.



At hindi exempted ang Pilipinas dito. Tinataya na kapag umakyat ang sea level dahil sa pagkatunaw ng mga yelo , ay lulubog ang maraming probinsya sa Pilipinas tulad ng Batanes, Camiguin, Siquijor, Biliran at maging ang ilang bahagi ng Metro Manila, partikular ang Kamanava area.



Kaya para sa akin ay napakahalaga ng summit na ito dahil dito ay mapag-uusapan at mapagkakasunduan kung paano babawasan kung hindi man ay aalisin ang mga sangkap at bagay na nakakapag-pollute sa ating Mother Earth katulad ng Carbon gases at mga toxic at non-biodegradable wastes.


Sana ay palakasin pa ang programa para sa pagtatanim ng mga puno at wakasan na ang pagkalbo sa ating mga kagubatan at pagtapyas ng ating mga kabundukan.


Sama sama tayong bumalangkas ng mga programa kung paano maisasalba sa pagkasira ang ating Inang Kalikasan nang sa gayon ay mayruon pang mundong matitirhan ang mga susunod na salinlahi!


Awit nga ng Asin: " Wala ka bang napapansin? Sa ating kapaligiran.

Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.....



....Ang mga batang ngayon lang isinilang ,may hangin pa kayang matitikman?

May mga puno pa kaya silang aakyatin? may mga ilog pa kayang lalanguyan?



......Mayrun lang akong hinihiling. Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan.

Gitara ko ay aking dadalhin. Upang sa ulap na lang tayo magkantahan."

No comments:

Post a Comment