TRAVELBOOK NOW!

Thursday, December 3, 2009

Claudine nag - ober da bakod daw, so what?















There's so much fuss over Claudine Barretto's so called pag-oover the bakod o paglipat mula sa mother station nito sa Channel 2 papuntang Kapuso Channel 7.










Para namang a big catch si Claudine huh!










Eh has been na rin naman itong beteranang actress na ito ah, kaya dapat hindi na ipinagbabanderahan kung saan mang bakod siya nag-akyat bahay he he he he.










The same with Bayani Agbayani huh!










Eto naman kasing mga network na ito, may mga exclusivity pa kasi sa mga contract, kaya tuloy ang mga artista hindi makapagtrabaho ng maayos saanmang network gustuhin nila.Kaya ayan kapag wala nang project sa home studio niya, tatalon na agad sa kabilang network; na agad namang sinasalo at kinukupkop ng network na kalaban ha ha ha ha. Na para bang ibino-broadcast sa kalabang estasyon na " o ang talent mo iniwan ka na, sa akin na siya , belat!"










Di lang nila alam na dahil dito, ang kanilang mga homegrown talent ay naeetsa pwera tuloy, at marami nang nag-aagawan sa katiting na project na nirarasyon na nga lang at hinahati hati sa kanilang mga talents.










Eh saan pa ba isasalpak ang mga bagong salta na yan, eh sangkatutak na ang nagrereyna reynahan sa alinmang istasyon ng TV na iyan.










At papayag ba naman ang isang reyna na maungusan lang ng isang bagong saltang prinsesa?










Nasaan na ba sina Angelika Dela Cruz, Jolina Magdangal at Angel Locsin , na matapos magpatumbling tumbling sa paglilipat bakod ay wala rin namang kinahinatnan ang mga career?










Hindi lang alam ng dalawang istasyon na ito na inuuto lang sila ng mga artistang iyan na nagsisilipatan kuno ng studio. Dahil kapag wala na namang project sa kanila, may I come back ulit ang drama naman....hello Angelika.










O sa mga artistang gustong tumalon,may isa pang TV station na pwedeng kumupkop sa inyo.










Lipat na kayo sa TV 5, shake mo TV mo!

No comments:

Post a Comment